"Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II" | Sipi 31


Pagkatapos na pagkatapos Niyang nilikha ang sangkatauhan, nagsimulang makipag-ugnayan ang Diyos sa tao at nakipag-usap sa tao, at ang Kanyang disposisyon ay nagsimulang maipahayag sa tao. Sa ibang salita, mula sa unang pakikipag-ugnay ng Diyos sa sangkatauhan nagsimula Siyang magpakita sa tao, nang walang hinto, ang Kanyang diwa at kung anong mayroon Siya at ano Siya. Hindi alintana kung ang mga mas naunang tao o ang mga tao ng panahong ito ay nakikita o nauunawaan ito, sa madaling salita nakikipag-usap ang Diyos sa tao at gumagawa kasama ng tao, ibinubunyag ang Kanyang disposisyon at ipinapahayag ang Kanyang diwa—na isang katotohanan, at hindi maikakaila ng sinumang tao. Nangangahulugan din ito na ang disposisyon ng Diyos, diwa ng Diyos, at kung ano ang mayroon at kung ano Siya ay tuluy-tuloy na lumalabas at ibinubunyag habang gumagawa at nakikipag-ugnayan Siya sa tao. Hindi Siya kailanman naglihim o nagtago ng anumang bagay mula sa tao, ngunit sa halip ay nagpapakita sa madla at inilalabas ang Kanyang sariling disposisyon nang walang pag-aatubili. Kaya, umaasa ang Diyos na kilalanin Siya ng tao at unawain ang Kanyang disposisyon at diwa. Hindi Niya nais tratuhin ng tao ang Kanyang disposisyon at diwa bilang walang hanggang mga misteryo, hindi rin Niya gustong tingnan ng sangkatauhan ang Diyos bilang isang palaisipan na hindi kailanman maaaring malutas. Kapag nakikilala ng sangkatauhan ang Diyos ay saka lamang malalaman ng tao ang daan pasulong at magagawang tanggapin ang gabay ng Diyos, at tanging ang taong tulad nito ang magagawang tunay na mabuhay sa ilalim ng dominyon ng Diyos, at mabuhay sa liwanag, kapiling ang mga biyaya ng Diyos.

Ang mga salita at disposisyong nilabas at ibinunyag ng Diyos ay kumakatawan sa Kanyang kalooban, at kumakatawan din ang mga ito sa Kanyang diwa. Kapag nakikipag-ugnay ang Diyos sa tao, anuman ang Kanyang sabihin o gawin, o anuman ang disposisyong Kanyang ibunyag, at anuman ang makita ng tao sa diwa ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano Siya, kinakatawan nito lahat ang kalooban ng Diyos para sa tao. Hindi alintana kung hanggang saan ang kayang matanto, maunawaan o maintindihan ng tao, kinakatawan nito lahat ang kalooban ng Diyos—ang kalooban ng Diyos para sa tao. Ito ay walang pag-aalinlangan! Ang kalooban ng Diyos para sa sangkatauhan ang siya ring kinakailangan Niya sa mga tao, ano ang kinakailangan Niyang gawin nila, kung paano Niya kinakailangan silang mabuhay, at kung paano Niya kinakailangan silang magkaroon ng kakayahang maisakatuparan ang kalooban ng Diyos. Ito ba ang mga bagay na hindi mahihiwalay mula sa mga diwa ng Diyos? Sa ibang salita, inilalabas ng Diyos ang Kanyang disposisyon at lahat ng mayroon Siya at ano Siya kasabay ng pag-utos sa tao. Walang kasinungalingan, walang pagkukunwari, walang pagtatago, at walang pagpapaganda. Ngunit bakit walang-kakayahan ang tao ng pag-alam, at bakit hindi niya kailanman nagawang makita nang malinaw ang disposisyon ng Diyos? At bakit hindi niya kailanman natanto ang kalooban ng Diyos? Iyong ibinubunyag at inilalabas ng Diyos ay kung ano mayroon at kung ano ang Diyos Mismo, pati ang bawat aspeto at bahagi ng Kanyang tunay na disposisyon—kaya bakit hindi makakita ang tao? Bakit walang-kakayahan ang tao ng masusing kaalaman? Mayroong isang mahalagang dahilan para rito. At ano ang dahilang ito? Mula noong panahon ng paglikha, hindi kailanman itinuturing ng tao ang Diyos bilang Diyos. Sa mga pinakaunang panahon, anuman ang ginawa ng Diyos tungkol sa tao, ang tao na kalilikha lamang, itinuring Siya ng tao na hindi hihigit sa isang kasama, bilang isa na maaaring asahan, at walang kaalaman o pag-unawa tungkol sa Diyos. Na ang ibig sabihin, hindi niya alam kung ano ang inilabas ng Manlilikha Mismo na ito—ang Manlilikha Mismo na ito na kanyang inasahan at nakita bilang kanyang kasama—ay ang diwa ng Diyos, ni hindi rin niya alam na ang Manlilikha Mismo na ito ay ang Siyang namamahala sa lahat ng bagay. Sa madaling sabi, ang mga tao ng panahong iyon ay hindi man lang nakilala ang Diyos. Hindi nila alam na ang langit at lupa at lahat ng mga bagay ay ginawa Niya, at sila ay walang kaalam-alam kung saan Siya nanggaling, at, higit pa rito, kung ano Siya. Mangyari pa, hindi kinailangan ng Diyos ang tao noong una na kilalanin Siya, o unawain Siya, o intindihin ang lahat ng Kanyang ginawa, o malaman ang Kanyang kalooban, dahil ito ang mga pinakaunang panahon kasunod ng paglikha sa sangkatauhan. Nang magsimula ang Diyos sa mga paghahanda para sa gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, ginawa ng Diyos ang ilang mga bagay sa tao at nagsimula rin ang Kanyang pag-utos sa tao, na sinasabi sa kanya kung paano magbigay ng mga handog at sumamba sa Diyos. Saka lamang nagkaroon ang tao ng mga simpleng pananaw tungkol sa Diyos, saka lamang niya nalaman ang kaibahan sa pagitan ng tao at Diyos, at ang Diyos ang Siyang lumikha sa sangkatauhan. Nang malaman ng tao na ang Diyos ay Diyos at ang tao ay tao, nagkaroon ng isang tiyak na distansya sa pagitan niya at ng Diyos, ngunit hindi pa rin tinanong ng Diyos ang tao kung may mahusay Siyang kaalaman o malalim na pag-unawa sa Kanya. Kaya, gumagawa ang Diyos ng iba’t ibang mga kinakailangan sa tao batay sa mga yugto at mga pangyayari ng Kanyang gawain. Ano ang nakikita ninyo rito? Anong aspeto ng disposisyon ng Diyos ang nakikita ninyo? Totoo ba ang Diyos? Angkop ba ang mga kinakailangan ng Diyos sa tao? Sa mga pinakaunang panahon kasunod ng paglikha ng Diyos sa sangkatauhan, noong kailangan pang isagawa ng Diyos ang gawain ng panlulupig at gawing perpekto ang tao, at hindi nagbanggit ng napakaraming salita sa kanya, kaunti ang Kanyang hiningi sa tao. Hindi alintana kung ano ang ginawa o kung paano umasal ang tao—kahit ginawa niya ang ilang mga bagay na nakasakit sa damdamin ng Diyos—pinatawad iyon lahat ng Diyos, at hindi na pinansin. Dahil alam ng Diyos kung ano ang ibinigay Niya sa tao, at alam kung ano ang nasa loob ng tao, kaya alam Niya ang pamantayan ng mga pangangailangan na dapat Niyang makuha sa tao. Kahit na ang pamantayan ng Kanyang mga kinakailangan ay masyadong mababa sa panahong iyon, ito ay hindi nangangahulugan na ang Kanyang disposisyon ay hindi mahusay, o na ang Kanyang karunungan at pagka-makapangyarihan ay walang kabuluhan. Para sa tao, mayroon lamang isang paraan upang malaman ang disposisyon ng Diyos at Diyos Mismo: sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang ng mga gawain ng pamamahala ng Diyos at kaligtasan ng sangkatauhan, at pagtanggap ng mga salitang binabanggit ng Diyos sa sangkatauhan. Gayong alam na kung ano ang mayroon at ano ang Diyos, at alam ang disposisyon ng Diyos, hihingin pa rin kaya ng tao sa Diyos na ipakita sa kanya ang tunay Niyang persona? Hindi kailanman, at hindi maglalakas-loob ang tao, dahil sa pag-unawa sa disposisyon ng Diyos at ano ang mayroon Siya at ano Siya, nakikita na ng tao ang tunay na Diyos Mismo, at nakikita na ang Kanyang tunay na persona. Ito ang kalalabasang ’di maiiwasan.

Habang walang humpay ang pasulong na pag-unlad ng gawa at plano ng Diyos, at matapos maisagawa ng Diyos ang tipan ng bahaghari sa tao bilang tanda na hindi na Niya kailanman wawasakin pang muli ang mundo sa paggamit ng baha, mataas ang pagnanais ng Diyos na makamit ang mga taong kayang makipag-isang isip sa Kanya. At gayundin, nagkaroon Siya ng matinding hangarin na makamit yaong mga naisakatuparan ang Kanyang kalooban sa lupa, at, higit pa rito, upang makatamo ng isang grupo ng mga tao na magagawang makawala sa mga puwersa ng kadiliman, at hindi masaklawan ni Satanas, at magagawang magpatotoo sa Kanya sa lupa. Ang pagtamo ng ganoong grupo ng tao ay ang matagal nang ninanais ng Diyos, ang hinihintay Niya simula pa sa panahon ng paglikha. Kaya, di-alintana ang mga bahang ginamit ng Diyos upang wasakin ang mundo, o ng Kanyang tipan sa tao, ang kalooban ng Diyos, kaisipan, plano, at pag-asa ay nanatiling ganoon pa rin. Ang nais Niyang gawin, na kung saan labis na hinangad Niya bago pa man ang panahon ng paglikha, ay makakuha sa sangkatauhan ng nais Niyang makuha—upang makuha ang grupo ng tao na kayang umunawa at malaman ang Kanyang disposisyon, at unawain ang Kanyang kalooban, isang grupo na kaya Siyang sambahin. Ang gayong grupo ng mga tao ay tunay na kayang magpatotoo sa Kanya, at sila, na maaaring masabi, ang Kanyang mga pinagkakatiwalaan.

Mula sa “Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao”

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento