Saan ibinabatay ng Diyos ang Kanyang pagpapasya tungkol sa huling kalalabasan ng isang tao?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ngayon ang panahon na Aking inaalam ang katapusan ng bawat tao, hindi ang yugto na sinimulan Kong hubugin ang tao. Sinusulat Ko sa Aking talaang libro, isa-isa, ang mga salita at kilos ng bawat tao, maging ang kanilang daan sa pagsunod sa Akin, ang kanilang likas na mga katangian, at ang kanilang huling paggawa. Sa ganitong paraan, walang uri ng tao ang makakatakas sa kamay Ko at lahat ay makakasama ng kanilang kauri ayon sa itinalaga Ko.

Ako ang nagpapasya sa hantungan ng bawat tao hindi batay sa edad, katandaan, laki ng paghihirap, at lalong hindi, ayon sa tindi ng kanilang pagiging kaawa-awa, kundi ayon sa kung may angkin silang katotohanan. Walang ibang mapipili kundi ito. Dapat ninyong matanto na lahat ng hindi sumusunod sa kalooban ng Diyos ay parurusahan. Ito ay hindi nababagong katotohanan. Samakatuwid, lahat niyaong pinaparusahan ay pinaparusahan nang gayon dahil sa katuwiran ng Diyos at bilang ganti sa kanilang maraming masasamang gawa.

—mula sa “Dapat Kang Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Bago pumasok sa kapahingahan ang sangkatauhan, kung ang bawat uri ng tao ay pinaparusahan o ginagantimpalaan ay mapagpapasyahan ayon sa kung hinahanap nila ang katotohanan, kung kilala nila ang Diyos, kung magagawa nilang sundin ang nakikitang Diyos. Yaong mga nag-ukol na ng paglilingkod sa nakikitang Diyos ngunit hindi nakikilala o hindi sumusunod sa Kanya ay kulang sa katotohanan. Ang mga taong ito ay mga gumagawa ng kasamaan, at ang mga gumagawa ng kasamaan ay walang dudang parurusahan; at saka, sila’y parurusahan ayon sa kanilang masamang pag-uugali. Ang Diyos ay para sa tao na paniwalaan, at Siya rin ay nararapat sa pagsunod ng tao. Yaong nanampalataya lamang sa malabo at di-nakikitang Diyos ay ang mga hindi naniniwala sa Diyos; at saka, hindi nila nagagawang sumunod sa Diyos. Kung ang mga tao na ito ay hindi pa rin magagawang maniwala sa nakikitang Diyos sa panahon na matapos ang Kanyang gawaing panlulupig, at ayaw ring tumigil sa pagiging suwail at nilalabanan ang Diyos na nakikita sa katawang-tao, ang mga taong di-malinaw na ito, walang duda, ay wawasakin. Ito ay katulad sa inyo—sinuman na nagsasabing kinikilala ang Diyos na nagkatawang-tao ngunit hindi magagawang isagawa ang katotohanan ng pagsunod sa Diyos na nagkatawang-tao ay ganap na aalisin at wawasakin, at sinuman na nagsasabing kinikilala ang nakikitang Diyos at kumakain at umiinom din ng katotohanan na ipinahayag ng nakikitang Diyos ngunit hinahanap ang malabo at di-nakikitang Diyos ay lalong higit na wawasakin sa hinaharap. Wala sa mga taong ito ang maaaring manatili hanggang sa panahon ng kapahingahan makaraang natapos na ang gawain ng Diyos; wala ni isa ang maaaring maging tulad ng mga taong ito na mananatili hanggang sa oras ng kapahingahan. Ang mga mala-demonyong tao ay ang mga hindi isinasagawa ang katotohanan; ang kanilang kakanyahan ay isang pagkalaban at pagiging suwail sa Diyos, at wala silang kahit na katiting na intensyon ng pagsunod sa Diyos. Ang ganitong mga tao ay wawasaking lahat.

—mula sa “Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Marami na Akong nahanap sa lupa upang maging Aking mga tagasunod. Kabilang sa lahat nitong mga tagasunod, mayroon yaong mga nagsisilbing mga pari, yaong mga namumuno, yaong mga bumubuo sa mga anak na lalaki, yaong bumubuo sa mga tao, at yaong mga gumagawa ng serbisyo. Pinaghihiwa-hiwalay Ko sila tungo rito sa iba’t ibang kategorya batay sa katapatan na ipinakikita nila sa Akin. Kapag napagbukud-bukod na ang lahat ng tao ayon sa kanilang uri, iyon ay, kapag ang kalikasan ng bawat uri ng tao ay nabunyag na, Akin namang ibibilang ang bawat tao sa kanilang nararapat na uri at ilalagay ang bawat uri sa kanilang naaangkop na lugar nang sa gayon ay maaari Kong matupad ang Aking layunin ng pagliligtas para sa sangkatauhan.

—mula sa “Marami ang Tinatawag, Datapuwa’t Kakaunti ang Nahihirang” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


Ginagamit ng Diyos ang mga pagsubok upang itakda ang kalalabasan ng tao. Mayroong dalawang pamantayan sa paggamit ng mga pagsubok upang itakda ang kalalabasan ng tao: Ang una ay ang bilang ng mga pagsubok na pinagdadaanan ng mga tao, at ang pangalawa ay ang resulta ng mga pagsubok na ito. Ito ang dalawang tagapagpahiwatig na magtatakda sa kalalabasan ng tao. Ngayon ipapaliwanag natin ang dalawang mga pamantayang ito.

…………

… Kapag wala ka pa sa gulang, magbibigay ang Diyos sa iyo ng isang napakababang pamantayan; kapag medyo mataas na ang iyong tayog, magbibigay ang Diyos sa iyo ng medyo mataas na pamantayan. Ngunit ano ang gagawin ng Diyos kapag naunawaan mo na ang buong katotohanan? Ihaharap ka ng Diyos sa mas malalaki pang pagsubok. Sa gitna ng mga pagsubok na ito, ang nais ng Diyos na matamo, ang nais ng Diyos na makita, ay ang mas malalim na kaalaman mo tungkol sa Diyos at ang tunay na takot mo sa Kanya. Sa pagkakataong ito, ang mga hihilingin ng Diyos sa iyo ay mas mataas at “mas malupit” kaysa sa hiniling Niya noong mas wala pa sa gulang ang iyong tayog (tandaan: Tinitingnan ito ng mga tao bilang malupit, ngunit para sa Diyos ito ay makatwiran). Kapag nagbibigay ang Diyos ng mga pagsubok sa mga tao, anong uri ng realidad ang nais Niyang likhain? Patuloy na hinihiling ng Diyos na ibigay ng mga tao ang kanilang puso sa Kanya. … Kapag nagbibigay ng isang pagsubok ang Diyos sa iyo, nakikita ng Diyos kung ang puso mo ay sa Diyos, sa laman, o kay Satanas. Kapag nagbibigay ng isang pagsubok ang Diyos sa iyo, nakikita ng Diyos kung sumasalungat ka sa Diyos o kaayon ka sa Kanya, at nakikita Niya kung nasa panig Niya ang iyong puso. Kapag wala ka pa sa gulang at nahaharap sa mga pagsubok, ang iyong tiwala ay napakababa, at hindi mo malalaman kung ano ang kailangan mong gawin upang bigyang-kasiyahan ang mga layunin ng Diyos dahil limitado ang pagkaunawa mo sa katotohanan. Sa kabila ng lahat na ito, maaari mo pa ring gawin ang tunay at taimtim na pananalangin sa Diyos, maging handang ibigay ang iyong puso sa Diyos, gawin ang Diyos bilang pinakanamumuno sa buhay mo, at maging handa upang ialay sa Diyos ang mga bagay na pinakamahalaga sa pananaw mo. Ganito kapag naibigay mo na ang iyong puso sa Diyos. Habang nakikinig ka sa mas maraming sermon, at mas dumarami ang nauunawaan mong katotohanan, lalago rin nang dahan-dahan ang iyong tayog. Ang pamantayan na hinihiling ng Diyos sa iyo sa panahon na ito ay magkaiba sa hiniling sa iyo nang wala ka pa sa gulang; Hihiling Siya ng mas mataas na pamantayan kaysa sa ibinigay Niya noon. Kapag unti-unting ibinibigay sa Diyos ang puso ng tao, ito ay palapit nang palapit sa Diyos; kapag tunay nang makakalapit ang tao sa Diyos, unti-unti silang nagkakaroon ng isang puso na may takot sa Kanya. Nais ng Diyos ang ganitong uri ng puso.

—mula sa “Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

May isang kasabihan na dapat ninyong tandaan. Naniniwala Ako na napakahalaga ng kasabihang ito, dahil para sa Akin, hindi na mabilang ang mga beses na ito’y naaalala sa bawat araw. Bakit ganoon? Dahil sa bawat pagkakataon na nahaharap Ako sa isang tao, sa tuwing makaririnig Ako ng kuwento ng isang tao, sa bawat oras na makaririnig Ako ng karanasan ng isang tao o ng kanilang patotoo sa pananampalataya sa Diyos, palagi Kong ginagamit ang kasabihang ito upang timbangin kung ang indibidwal na ito ay ang uri ng tao na gusto ng Diyos, ang uri ng tao na nais ng Diyos. Kaya ano ang kasabihan na ito, sa gayon? … Ito ang “lumakad sa landas ng Diyos; matakot sa Diyos at layuan ang kasamaan.” Hindi ba napakasimpleng parirala nito? Nguni’t kahit na simple ang kasabihan na ito, mararamdaman ng isang tao na may malalim na pagkaunawa dito na ito ay matimbang; na napakahalaga nito para sa pagsasagawa; na ito ay wika ng buhay na may realidad ng katotohanan; na ito ay isang panghabambuhay na layunin na pagsusumikapang kamtin ng mga nagnanais na bigyang-kasiyahan ang Diyos; at ito ay isang panghabambuhay na landas na sinusundan ng sinuman na maalalahanin sa mga layunin ng Diyos. … Bakit Ko tinatalakay ang kasabihan na ito? Anuman ang pananaw ninyo, o ang iisipin ninyo, kailangan Kong talakayin ang kasabihang ito dahil ito ay lubos na may katuturan sa kung paano itatatag ng Diyos ang kalalabasan ng tao. Anuman ang kasalukuyang pag-unawa ninyo sa kasabihang ito, o kung paano ang pagtrato ninyo dito, sasabihin Ko pa rin sa inyo: Kung may isang tao na maisasagawa ang kasabihang ito at makakamit ang pamantayan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan, mapapanatag sila na sila’y maliligtas, mapapanatag sila na may mabuti silang kalalabasan. Kung hindi mo makamit ang pamantayan na inilatag ng kasabihang ito, maaaring sabihin na hindi matukoy ang kalalabasan mo. Kaya makikipag-usap Ako sa inyo tungkol sa kasabihang ito para sa kahandaan ng isipan ninyo, at sa gayon ay malaman ninyo kung anong uri ng pamantayan ang gagamitin ng Diyos na panukat sa inyo.

—mula sa “Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang kakanyahan ng bawat tao ang nagpapasya kung sila ay wawasakin; ito ay pinagpapasyahan ayon sa kakanyahan na ibinunyag sa pamamagitan ng kanilang pag-uugali at ng kanilang paghangad ng katotohanan. Sa mga taong magkakatulad na gumagawa ng gawain at gumagawa din ng magkatulad na dami ng gawain, yaong mabubuti ang makataong kakanyahan at nagtataglay ng katotohanan ay ang mga tao na maaaring manatili, ngunit yaong mga masasama ang kakanyahang pantao at sumusuway sa nakikitang Diyos ay yaong wawasakin. Alinman sa gawain o mga salita ng Diyos na ipinatungkol sa hantungan ng sangkatauhan ay pinakikitunguhan nang wasto ang sangkatauhan ayon sa kakanyahan ng bawat tao; hindi magkakaroon ng mga aksidente, at tiyak na walang magiging kahit katiting na pagkakamali. Tanging kapag ang isang tao ay nagsasakatuparan ng gawain may mapapahalong pantaong emosyon o pakahulugan. Ang gawaing ginagawa ng Diyos ay ang pinaka-angkop; Siya ay lubusang hindi magpaparatang nang mali laban sa anumang nilalang.

—mula sa “Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento