Sinabi ng Panginoong Jesus, "Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko" (Juan 14:6).
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang katotohanang ito ay ang landas na sa pamamagitan nito ay makakamit ng tao ang buhay, at ang tanging landas sa pamamagitan niyao’y makikilala ng tao ang Diyos at upang masangayunan ng Diyos."
Ipinapakita ng mga salita ng Diyos na tanging kapag nakakamit tayo ng katotohanan ay maaari tayong makapasok sa kaharian ng langit at magkakaroon ng buhay na walang-hanggan. Kaya, ano ang katotohanan? Halina't ating tingnan ang maraming sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos: "Ang katotohanan ay nagmumula sa mundo ng tao, ngunit ang katotohanang nasa tao ay ipinamamana ni Cristo. Ito ay nagmumula kay Cristo, ibig sabihin, mula sa Diyos Mismo, at hindi kayang tamuhin ng tao."
"Ang katotohanan ay ang pinaka-tunay na talinghaga ng buhay, at ang pinakamataas sa gayong mga talinghaga sa buong sangkatauhan. Dahil hinihiling ito ng Diyos sa tao, at ito ang gawaing personal na ginawa ng Diyos, tinatawag itong talinghaga ng buhay. Hindi ito isang talinghagang binuo mula sa isang bagay, ni isang bantog na kasabihan mula sa isang dakilang personalidad; sa halip, ito ang pagbigkas sa sangkatauhan mula sa Panginoon ng kalangitan at ng lupa at ng lahat ng bagay, at hindi ito ilang salita na binuo lamang ng tao, kundi ang likas na buhay ng Diyos. Kaya nga ito ang tinatawag na pinakamataas sa lahat ng talinghaga ng buhay."
"Makikita natin mula sa mga salita Niya: Sa Diyos galing ang katotohanan, at sa pagpapahayag ni Cristo. Ibig sabihin, lahat ng mga salitang sinabi ng Diyos ay katotohanan. Dahil ang katotohanan ay ang diwa ng buhay ng ating Diyos, Ang disposisyon Niya, at anong mayroon Siya, at ang katotohanan ng mga positibong bagay. Ito’y walang hanggan at hindi nga magbabago. Ang mga salita ng Diyos ay may awtoridad at kapangyarihan din. Talagang kaya nitong padalisayin, iligtas ang tao, at maging buhay na walang hanggan ng tao. Kaya nga, ang mga salitang ipinahayag ng Diyos ay katotohanan. Ang gawain at paghahayag Niya, at kung ano ang itinakda Niya ay katotohanan. Ang iniatas ng Diyos at itinatakda para sa tao, lahat ng hinihiling Niya sa tao at inuutos na ipamuhay ay katotohanan, ang katotohanan ng lahat ng positibong bagay. At sa gayon, may katotohanang matatagpuan sa bawat salitang winiwika ng Diyos. Nagpahayag Siya ng maraming katotohanan, sa bawat yugto ng gawain Niya. Ang mahalagang buhay na ipinagkaloob Niya sa’tin ay nasa loob ng mga katotohanan."
Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nakikita natin na ang mga salitang ipinahayag ng Diyos ang mga katotohanan. Ang Diyos ay nagpahayag ng maraming katotohanan sa bawat kapanahunan at bawat yugto ng Kanyang gawain upang gabayan tayong sangkatauhan. Kapag tayong mga tao ay isinagawa ang mga salita ng Diyos, magkakamit tayo ng buhay.
Mga Pagbasa tungkol sa mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw
0 Mga Komento