Kidlat ng Silanganan-Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kaniyang Kaalaman sa Pagpaparusa at Paghahatol

Diyos, pag-ibig, katotohanan, buhay, Banal na Espiritu,

Kidlat ng Silanganan-Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kaniyang Kaalaman sa Pagpaparusa at Paghahatol


Noong siya ay itinutuwid ng Diyos, nanalangin si Pedro: "O Diyos! Ang aking katawan ay masuwayin, at itinuwid Mo ako at pinarusahan. Ako ay nagagalak sa Iyong pagtutuwid at pagpaparusa, at kahit na hindi Mo ako naisin, minamasdan kong banal ang Iyong parusa at makatuwiran ang Iyong kalooban.
Nasiyahan ako nang hinatulan Mo, upang makita ng mga tao ang Iyong kabanalan at katuwiran sa Iyong paghatol. Kung ito ay magtatanghal ng Iyong kalooban, ihahayag ang Iyong makatuwirang kalooban upang makita ng lahat ng mga nilalang, dadalisayin nang higit ang aking pag-ibig sa Iyo upang matamo ko ang imahe ng Iyong pagiging makatuwiran ang iyong pagpaparusa ay mabuti sapagkat ito ang Iyong magiliw na kalooban. Batid ko na maaari akong maging mapanghimagsik at hindi pa nararapat lumapit sa Iyo. Nais kong siyasatin Mo ako nang higit, sa pamamagitan man ito ng masamang kapaligiran o malaking kapighatian; sa paanong paraan Mo man ako hatulan, ito ay itinuturing kong mahalaga. Napakalalim ng Iyong pag-ibig at kusa kong inilalaan ang aking sarili para sa Iyo nang hindi dumaraing ng kahit kaunti.” Ito ang kaalaman ni Pedro pagkatapos niyang maranasan ang mga gawa ng Diyos at ito rin ang kaniyang kapahayagan ng pag-ibig sa Diyos. Sa ngayon, ikaw mismo na nalupig na – ngunit sa paanong paraan naihahayag ang pagsupil sa iyo? May ilan na nagsasabi, “Ang pagkakasakop sa akin ang pinaka-karangalan at kaluwalhatian ng Diyos. Ngayon ko lang napagtanto na ang buhay ng tao ay walang bisa at walang halaga. Ang buhay ay walang kabuluhan anupat mas gugustuhin ko pang mamatay na lang. Bagaman ang tao ay nabubuhay para gumawa at magbangon ng panibagong henerasyon at ng susunod pang ibang henerasyon, walang matitira para sa tao. Ngayon, pagkatapos malupig ng Diyos ay napagtanto kong walang kabuluhan nga ang buhay; tunay ngang walang silbi ang ganito. Dapat lang na tayo nga ay mamatay at matapos na rito!” Matatamo ba ang Diyos ng mga gayong nalupig na tao? Sila ba ay maaaring gawing uliran at huwaran? Nagsisilbing aral sa pagiging walang kibo ang gayong mga uri ng tao anupat wala silang mga hangarin at hindi sila kumikilos para isulong pa ang kanilang mga sarili! Bagaman nabibilang sila sa mga kasamang nalupig, ang mga gayong tao ay itinuturing na hindi karapat-dapat gawing sakdal. Bago ang kaniyang kamatayan, pagkatapos siyang gawing sakdal, sinabi ni Pedro, “O Diyos! Kung ako ay mabubuhay ng ilan pang mga taon, nais kong magkaroon nang higit pang dalisay at higit pang malalim na pag-ibig sa Iyo.” Noong siya ay ipapako na sa krus, nanalangin siya nang taimtim sa kaniyang puso, “O Diyos! Ang Iyong oras ay dumating, ang Iyong inihanda para sa akin ay narito na. Ako ay nararapat ipako sa krus para sa Iyo, kailangan na maghirap ako sa Iyong patotoo, at nawa ang aking pag-ibig ay makaabot sa Iyong mga atas at maging higit pang dalisay. Ang pagkamatay ko ngayon para sa Iyo, ang maipako ako sa krus para sa Iyo, ay umaaliw at nagbibigay katiyakan sa akin, sapagkat wala nang hihigit pa sa pagbibigay kasiyahan sa Iyo sa pamamagitan ng pagpapako sa krus at pagtupad ng Iyong mga kahilingan, at sa paghahandog ng aking sarili sa Iyo, pag-aalay ng aking buhay sa Iyo. O Diyos! Ikaw ay kaibig-ibig! Kung kalooban Mo akong mabuhay, lalo Kitang iibigin. Habang ako ay nabubuhay, iibigin Kita. Iibigin Kita nang higit pa. Hatulan Mo ako, at ituwid Mo ako at subukin Mo ako hindi dahil sa ako ay matuwid kundi dahil ako ay makasalanan. At ang Iyong makatuwirang kalooban ay higit na maliwanag sa akin. Ito ay tunay ngang isang pagpapala para sa akin sapagkat maaari kitang higit pang ibigin, at kusa kitang higit na iibigin kahit na hindi Mo ako iniibig. Handa akong hawakan ang Iyong makatuwirang kalooban sapagkat binibigyang halaga nito ang aking buhay. Naramdaman kong may kabuluhan na ang aking buhay sapagkat ipinako ako sa krus para sa Iyo, at napakahalagang mamatay alang-alang sa Iyo. Ngunit sa anumang paraan ay hindi pa ako nasisiyahan dahil kakaunti lang ang kaalaman ko hinggil sa Iyo, batid ko na hindi ko matutupad lahat ng Iyong mga iniaatas, at kakaunti lamang ang mga iginawad kong pabuya sa Iyo. Sa aking buhay, hindi ko naibigay ang buong sarili sa Iyo; malayo pa ako roon. Kapag inaalaala ko ang mga iyon, napagtatantong may utang na loob ako sa Iyo, at kailangan bumawi mula sa mga nagawang pagkakamali at ibigay ang lahat ng pag-ibig na hindi ko naipakita sa Iyo.”

Kailangang magsikap ang tao na mamuhay nang may kabuluhan at hindi sila dapat makontento sa kung ano ang kasalukuyang kalagayan nila. Para danasin mo ang dinanas ni Pedro, kailangan mong magkaroon ng kaalaman at karanasan tulad ng kay Pedro. Kailangang maghagilap ang tao ng mga bagay na mas matatayog at mas malalalim. Kailangan nilang magsumikap na magkaroon ng mas malalim, mas dalisay na pag-ibig sa Diyos, at buhay na mas may kabuluhan. Iyon lang ang talagang matatawag na buhay; sa gayong paraan lang magiging tulad ni Pedro ang tao. Kailangan mong kumilos para makapasok sa tamang daan at huwag hahayaan na umurong mula rito para sa pansamantalang kasiyahan at hindi nagbibigay-pansin sa mas malalim, mas tiyak at mas mabisang katotohanan. Ang iyong pag-ibig ay dapat maging tunay at dapat hanapin ang paraan na makaalis sa buktot at walang inaalalang uri ng pamumuhay na walang pinagkaiba sa mga hayop. Dapat mamuhay nang may kabuluhan at hindi dapat linlangin ang iyong sarili o kumilos na parang naglalaro lang sa buhay. Sapagkat lahat ng mga naghahangad na ibigin ang Diyos ay walang katotohanang hindi matatamo at walang kawalang-katarungan ang hindi makakayanan. Paano dapat mamuhay? Paano iibigin ang Diyos at gagamitin ang gayong pag-ibig para bigyang kasiyahan ang Kaniyang mga kagustuhan? Wala nang hihigit pa dapat sa inyong buhay. Higit sa lahat ay dapat magkaroon ng mga hangarin at matinding pagsisikap na hindi maging tulad ng mga mahihinang nilalang. Dapat mong matutunan kung paano mamuhay nang may kabuluhan at makaranas ng mabibisang katotohanan at hindi dapat ituring ito nang walang interes. Ang iyong buhay ay lilipas lang nang hindi namamalayan; pagkatapos, magkakaroon pa ba ng pagkakataon para ibigin ang Diyos? Maaari bang ibigin ng tao ang Diyos kapag patay na? Kailangan ng hangarin at motibong tulad ng kay Pedro; ang buhay mo ay dapat na maging makabuluhan, at hindi dapat nililinlang ang inyong sarili! Bilang tao na naghahanap sa Diyos, kailangang suriin ang pamumuhay, paano ihahandog ang sarili sa Diyos, paano magkakaroon nang mas matibay na pananampalataya sa Kaniya; at dahil sa iniibig Siya, paano Siya iibigin nang mas dalisay at mas mainam? Sa ngayon, hindi dapat maging sapat kung paano nasakop kundi sa kung anong daan ang tatahakin sa hinaharap. Kailangang magkaroon ng mga hangarin at lakas ng loob upang maging sakdal, at hindi dapat isipin na wala kang kakayahan. May pinapanigan ba ang katotohanan? Kaya bang salansangin ng katotohanan ang mga tao? Kung ipagpapatuloy na hanapin ang katotohanan, mapupuspos ka ba nito? Kung mananatiling matatag para sa katarungan, mabubuwag ka ba nito? Kung ito nga talaga ang hangarin sa buhay, kaya ba kayong takasan nito? Kung hindi mo taglay ang katotohanan, hindi dahil hindi kinikilala ang katotohanan kundi dahil sa lumayo ka mula rito; kung hindi kayang tumayo ukol sa katarungan, hindi dahil sa mali ang katarungan kundi dahil sa naniniwala kang malayo ito sa katotohanan; kung hindi natamo ang buhay pagkatapos itong pagsumikapang hanapin sa loob ng maraming taon, hindi ito dahil sa hindi panig ang buhay sa iyo, kundi dahil sa hindi ka panig sa buhay at itinakwil mo ang buhay; kung nabubuhay sa liwanag at hindi nakamit ang kaliwanagan, hindi ito dahil sa hindi maaaring sumikat sa inyo ang liwanag kundi dahil sa hindi binigyang pansin ang pag-iral ng liwanag kung kaya unti-unting nilisan nito. Kung hindi magpapatuloy, ito’y patunay na ikaw ay walang halagang basura at walang lakas ng loob sa buhay para labanan ang kadiliman. Masyado kang mahina! Hindi kayang lumisan mula sa kampon ni Satanas na bumihag sa’yo at handang manatili sa ganito kapayapang buhay at mamatay nang walang kamalay-malay. Ang dapat makamit ay ang hangarin na pasakop; ito ang iyong tungkulin. Kung para sa iyo ay sapat nang malupig, itinataboy mo ang pag-iral ng liwanag. Kailangang magdusa alang-alang sa katotohanan, kailangang ibigay ang sarili para sa katotohanan, kailangan magtiis ng kahihiyan para sa katotohanan, at para higit pang makaalam ng katotohanan ay kailangan nang higit pang paghihirap. Ito ang kailangang gawin. Huwag mong itatatwa ang katotohanan alang-alang sa mapayapang buhay pampamilya, at hindi dapat mawala ang dangal at katapatan para sa pansamantalang kasiyahan. Kailangang pagsumikapan ang mga bagay na mabuti at pagsumakitang ipagpatuloy ang paglakad sa daan ng makabuluhang buhay. Kung namumuhay ka nang mahalay at walang pinagsusumikapang layunin, hindi ba nasasayang ang iyong buhay? Ano nga ba ang kapakinabangan ng gayong uri ng pamumuhay? Dapat itakwil ang mga kasiyahan ng laman alang-alang sa katotohanan at hindi dapat sayangin ang katotohanan alang-alang sa payak na kasiyahan. Ang mga gayong tao ay walang katapatan o dangal; walang kabuluhan ang kanilang buhay!

Tinutuwid at pinaparusahan ng Diyos ang mga tao dahil kasama ito sa Kaniyang mga gawain at higit sa lahat, kailangan ito ng tao. Kailangan niyang maituwid at maparusahan para makamit niya ang pag-ibig ng Diyos. Ngayon ay kumbinsido ka, ngunit kapag napaharap sa kahit napakaliit na pagsubok ay mag-aalangan ka; ang iyong pagkamatayog ay mahina pa kung kaya kailangan mo pa nang higit pang pagtutuwid at pagpaparusa para matamo ang malalim na kaalaman tungkol sa Diyos. Ngayon ay may pagtatalaga at pagkatakot ka sa Diyos at batid mong Siya ang tanging tunay na Diyos, ngunit wala kang mas higit na pag-ibig sa Kaniya o nasang matamo man lang ang dalisay na pag-ibig; ang iyong kaalaman ay hindi tiyak, at kulang pa ang iyong katatagan. Kung ikaw ay nakaranas ng pagsubok, hindi ka maaaring maging saksi, halos hindi ka kumikilos, at wala ka pang pagsasabuhay. Karamihan ay hindi gumagawa ng hakbang; iniibig lang nila nang palihim ang Diyos sa kanilang mga puso ngunit hindi nila ito kinakapitan ni nagiging malinaw ang kanilang mga layunin sa buhay. Ang mga taong gagawing sakdal ay hindi lang mayroong mahusay na pagkatao kundi nagtataglay ng katotohanang nakahihigit sa moral; hindi lang nila ito ginagamit para magbayad ng kaukulan sa pag-ibig ng Diyos kundi dahil kinikilala nila ang Diyos bilang maibigin at karapat-dapat ibigin anupat maraming bagay ang kapansin-pansing kaibig-ibig sa Kaniya. Ang pag-ibig ng Diyos para sa mga ginawang sakdal ay upang maabot nila ang kanilang mga patunguhan. Ang kanilang pag-ibig ay nag-uumapaw, hindi humihiling ng kapalit o naipagpapalit. Iniibig nila ang Diyos dahil Siya ay kilala nila . Hindi nila iniisip kung bibigyan sila ng biyaya dahil sapat na sa kanila ang bigyang kasiyahan ang Diyos. Hindi sila nakikipagkasundo ni sinusukat man ang pag-ibig nila sa Diyos: Inilaan Mo iyon sa akin kaya iniibig din Kita; kung hindi Mo ito ilalaan, kung gayon ay wala akong utang na loob sa Iyo. Ang mga pinasakdal ay laging naniniwalang Siya ang Maylikha, na makikita ang Kaniyang mga gawa mula rito, at dahil sila ay may pagkakataon at mga katangiang nararapat sa kasakdalan, kailangan nilang hangarin na mamuhay nang nakalulugod sa Kaniya. Katulad lang ito nang naranasan ni Pedro: Noong siya ay hinang-hina, nanalangin siya sa Diyos, “O Diyos! Kahit nasaan man ako, alam Mong lagi Kitang inaalala. Kahit nasaan man ako, batid Mong gusto Kitang ibigin ngunit ako ay hindi matayog, ako ay mahina, ang aking pag-ibig ay may takda at ang aking kataimtiman sa Iyo ay kakaunti. Ihahambing sa Iyong pag-ibig, hindi ako nararapat para mabuhay. Hindi ko nais na ang aking buhay ay walang-kabuluhan upang mabayaran ang Iyong ipinakitang pag-ibig, at higit sa lahat upang mailaan sa Iyo ang lahat-lahat. Kung mapapasaya Kita bilang nilalang, magkakaroon ako ng payapang kaisipan at hindi na hihiling nang higit pa. Bagaman ako ay mahina, hindi ko makalilimutan ang Iyong mga payo at ang Iyong iginawad na pag-ibig. Ibinabalik ko lang ang inilaan Mong pag-ibig. O Diyos, kahabag-habag ako! Paano maibabalik ang aking pag-ibig para sa Iyo, paano magagawa ang aking makakaya at maihandog ang lahat nang nauukol sa Iyo? Alam Mo ang kahinaan ng tao; paano nga ba ako magiging karapat-dapat sa Iyong pag-ibig? O Diyos! Alam Mong hindi ako matatag at bahagya lang ang aking pag-ibig. Paano ko magagawa ang pinakamabuti? Alam kong kailangang bumawi sa ipinakita Mong pag-ibig, alam kong kailangang ihandog ang lahat ng akin sa Iyo, ngunit hindi pa ako ganoon katatag. Pakisuyo, bigyan Mo ako ng lakas at katatagan upang mailaan ang aking buong pagtatalaga sa Iyo; hindi lang upang mabayaran ang Iyong ipinakitang pag-ibig kundi upang lalong makita ang Iyong pagtutuwid, pagpaparusa at paglilitis at kahit ang pinakamatinding sumpa. Pinayagan Mo akong manghawakan sa Iyong pag-ibig kahit na wala akong kakayahang ibigin Ka at kahit na ako ay mahina, makalilimutan ba Kita? Ang Iyong pag-ibig, pagtutuwid, pagpaparusa ay tumulong sa akin na makilala Ka nang higit, ngunit hindi pa rin makabawi sa Iyong pag-ibig dahil Ikaw ay dakila. Sa paanong paraan nga ba ako makapagbibigay ng buong pagtatalaga sa Maylikha?” Iyon ang kahilingan ni Pedro bagaman siya ay hindi pa matatag. Naramdaman niya noon na para bang sinaksak ang kaniyang puso at damang-dama ang kirot; batid niya ang mga hindi dapat gawin. Patuloy siyang nagsumamo sa pananalangin: “O Diyos! Ang tao ay kasingtatag lang ng bata, ang kaniyang moral ay mahina, at ang tanging magagawa ko lang ay bayaran ang ipinakita Mong pag-ibig. Ngayon ay hindi ko alam kung paano kita mapasasaya o kung paano maibibigay ang aking buong pagtatalaga sa Iyo. Anuman ang Iyong maging paghahatol, anuman ang Iyong pagtutuwid, anuman ang Iyong igagawad sa akin, anuman ang aalisin Mo sa akin, tulungan Mo akong huwag maghinaing sa Iyo. Maraming pagkakataon noong ako’y pinarusahan Mo, dumaing ako at hindi nakamit ang kadalisayan o natupad ang Iyong mga atas. Ang aking tugon sa Iyong pag-ibig ay napipilitan at kinamumuhian ko ang aking sarili.” Dahil hanap niya ang mas dalisay na pag-ibig ng Diyos kung kaya nanalangin si Pedro sa gayong paraan. Patuloy siyang naghahanap at bukod diyan ay pinaparatangan ang sarili at umaamin ng mga pagkakamali sa Diyos. Pakiramdam niya ang malaking pagkakautang sa Diyos kaya namuhi sa sarili at lubhang nalungkot. Pakiramdam niya’y hindi siya karapat-dapat na tuparin ang atas ng Diyos. Sa kabila ng ganitong kalagayan, pinagpatuloy ni Pedro na magkaroon ng pananampalataya tulad nang kay Job. Nakita niya kung paanong naging matibay ang pananampalataya ni Job at kung paano nanghawakan si Job kahit na inalis ng Diyos ang lahat ng kaniyang mga pag-aari at karapatan ng Diyos na gawin ito, anupat ibibigay ng Diyos ang anumang iyong hilingin – gayon kakatuwiran ang kalooban ng Diyos. Hindi nagreklamo si Job at pinuri pa rin niya ang Diyos. Kilala rin ni Pedro ang sarili, kaya nanalangin, “Ngayon, hindi sapat para sa akin na gantihan ang ipinakita Mong pag-ibig dahil kahit gaano kasidhing pag-ibig ang ipinakita ko, ang aking mga kaisipan ay sira dahil wala akong kakayahang ituring Ka bilang Maylikha. Dahil hindi pa din ako nararapat sa Iyong pag-ibig, kailangang magkaroon ng kusang pagtatalaga sa Iyo. Dapat kong malaman lahat ng Iyong mga ginawa at manghawakan sa Iyong pag-ibig, papurihan Ka at parangalan ang Iyong pangalan upang Ikaw ay luwalhatiin sa pamamagitan ko. Ako ay handang maging buhay na patotoo para sa Iyo. O Diyos! Ang Iyong pag-ibig ay ubod nang inam at halaga; paano nga ba ako mabubuhay sa kasamaan? Hindi ba ako ay Iyong ginawa? Paanong mabubuhay ako sa ilalim ni Satanas? Ninanais kong ako ay mamuhay sa Iyong katuwiran. Hindi ako mabubuhay para sa kasamaan. Kung ako ay dadalisayin, ilalaan ang aking buong pagtatalaga sa Iyo, kusang ilalaan ang aking katawan at pag-iisip sa Iyong pagpaparusa at pagtutuwid sapagkat sinasalansang si Satanas. Sa pamamagitan ng Iyong paghahatol sa akin, ipinakita Mo ang Iyong makatuwirang kalooban; lubos akong natutuwa at hindi dumaraing kahit kaunti. Kung aking magagawa ang tungkulin, handang gamitin ang aking buhay alang-alang sa Iyong pagpaparusa, dahil alam kong Ikaw ay mayroong makatuwirang kalooban, kung kaya itinatakwil ko ang pananakop ng kasamaan.” Laging nananalangin si Pedro, laging naghahanap , kaya naabot niya ang katuwiran. Hindi lang niya naibalik ang pag-ibig ng Diyos kundi nagawa ang kaniyang tungkulin. Hindi lang pinaratangan ng sariling budhi kundi naitama rin ang kaniyang moral. Patuloy na pinakinggan ng Diyos ang kaniyang mga dalangin, anupat ang kaniyang hangarin ay mas lumawak at mas lumalim ang kaniyang pag-ibig sa Diyos. Bagaman nakararanas pa rin siya ng mga kahirapan, hindi nilimot ang pag-ibig ng Diyos at patuloy na hinanap ang kaunawaan sa kalooban ng Diyos. Ito ang matatagpuan sa kaniyang mga panalangin: “Natupad kong ibalik ang kabayaran ng Iyong pag-ibig. Hindi ako nakipagtipan sa Iyo sa harap ni Satanas, hindi ko napalaya ang aking sarili kay Satanas at nanatili akong makalaman. Nais kong gamitin ang aking pag-ibig para madaig si Satanas at upang mapasaya Kita. Nais kong ibigay sa Iyo ang buong sarili at hindi kay Satanas na Iyong kaaway.” Kapag lalo siyang nagsisikap sa daang ito, lalong lumalago ang kaniyang kaalaman at napakikilos siya nito. Lingid sa kaniyang kamalayan, nabatid niyang kailangan niyang kumawala sa pananakop ni Satanas at manumbalik sa Diyos. Iyon nga ang kaniyang nakamit. Tinanggihan niya ang mga pananakop ni Satanas at ang mga kasiyahan ng laman at ginustong maranasan ang kalaliman ng pagtutuwid at pagpaparusa ng Diyos. Sinabi niya, “Kahit na ako ay nabuhay sa Iyong pagtutuwid at pagpaparusa, gaano man ang maging pagdurusang mararanasan, hindi pa rin ako magpapasailalim sa mga panlilinlang ni Satanas. Nalulugod ako sa Iyong mga sumpa at napipighati sa mga pagpapala ni Satanas. Iniibig Kita kung kaya nabubuhay sa Iyong pagtutuwid at lubhang nasisiyahan sa Iyong pagtutuwid at pagpaparusa. Ang Iyong pagtutuwid at pagpaparusa ay makatuwiran at banal; dinadalisay ako nito at inililigtas. Mas gugustuhin kong mamuhay sa Iyong pagpaparusa kaysa sa pangangalaga ni Satanas. Hinding-hindi ko paglalaanan nang kahit kaunting panahon ang pamumuhay sa ilalim ni Satanas; gusto kong dalisayin Mo, makaranas ng mga paghihirap, at hindi masakop ni Satanas. Ako, isang nilalang, ay dapat na magamit Mo, hatulan Mo, at ituwid Mo. Dapat Mo nga rin akong sumpain. Ako ay nagsasaya kapag pinagpapala Mo ayon sa nakalulugod sa Iyo, sapagkat nakita ko ang Iyong pag-ibig. Ikaw ang Maylikha, at ako ang Iyong nilalang: hindi Kita itatakwil at maninirahan kay Satanas ni magpasakop man kay Satanas. Maaari akong maging kabayo o baka Mo sa halip na mabuhay para kay Satanas. Mas mamarapatin kong mabuhay sa Iyong pagtutuwid kahit walang katiwasayan, at ito ay magbibigay kasiyahan sa akin kahit na hindi Mo bigyan ng biyaya. Bagaman ang Iyong biyaya ay wala sa akin, nagsasaya ako sa Iyong pagtutuwid at pagpaparusa; ito mismo ay Iyong pagpapala, ang Iyong pinakadakilang kagandahang-loob. Bagaman Ikaw ay palaging nagpupuyos sa galit sa akin, hinding-hindi pa rin Kita itatakwil, bagaman hindi pa rin Kita maiibig nang sapat. Nais kong manirahan sa Iyong tahanan, maisumpa, maituwid at mahatulan Mo, at hindi nais na mamuhay sa ilalim ni Satanas o sa makalamang pagnanasa.” Ang pag-ibig ni Pedro ay tunay na dalisay. Ito ang karanasan nang pagiging sakdal, pinakamataas na kasakdalan, at wala nang hihigit pa rito. Tinanggap niya ang pagtutuwid ng Diyos at ang Kaniyang kaparusahan, isinapuso ang katuwirang kalooban ng Diyos, at wala nang mas nakahihigit pa para kay Pedro. Sinabi niya, “Binigyan ako ni Satanas ng mga kasiyahan ngunit hindi ko kinalugdan ang mga iyon. Ang pagtutuwid at paghahatol ng Diyos ay dumating – dahil dito ako ay nabigyan ng kagandahang-loob, ako ay nasiyahan at nabasbasan. Kung hindi dahil sa pagpaparusa ng Diyos ay hindi ko Siya iibigin, mananatili akong sakop ni Satanas. At kung gayon ang situwasyon, hindi ako magiging isang tunay na tao dahil hindi ko mapasasaya ang Diyos at hindi ko maibibigay lahat ng nauukol sa Diyos. Kahit na hindi ako basbasan ng Diyos anupat kahit hindi Niya ako aliwin para bang may nag-aapoy mismo sa akin, at kahit na walang kapayapaan o kaligayahan, kahit na hindi malayo sa akin ang katuwiran at paghahatol ng Diyos, sa pamamagitan ng mga iyon ay nakapanghahawakan ko ang Kaniyang wastong kalooban. Lubos akong nasisiyahan rito; wala nang iba pang bagay ang makapagbibigay kahulugan o kahalagahan sa buhay sa Diyos ang mga nararapat ibigay para sa Kaniya nang walang alinlangan – sa gayon ay masisiyahan ako. Ang pagtutuwid at kaparusahan ng Diyos ang nagligtas sa akin, at ang aking buhay ay hindi mahihiwalay mula rito. Ang aking buhay sa lupa ay nasa ilalim ng kalakaran ni Satanas anupat kung hindi dahil sa patnubay at pag-iingat ng pagtutuwid at pagpaparusa ng Diyos ako ay mananatili kay Satanas, at bukod diyan hindi ako magkakaroon ng pagkakataon na magkaroon ng makabuluhang buhay. Dahil sa hindi mahihiwalay sa akin ang pagtutuwid at paghahatol ng Diyos, ako ay madadalisay ng Diyos. Dahil sa masasakit na salita at wastong kalooban ng Diyos, at ang Kaniyang maringal na paghahatol, natamo ko ang mahusay na pagtatanggol, mahusay na liwanag at natamo ang mga pagpapala ng Diyos. Upang manatiling malinis at hiwalay kay Satanas at mamuhay kasama ng Diyos – ito ang pinakadakilang pagpapalang natamo ko sa buhay.” Ito ang pinakasukdol na kagandahang-loob na naranasan ni Pedro.

   Ito ang mga dapat matamo ng tao kapag siya ay naging sakdal na. Kung hindi mo ito matatamo, hindi ka makapamumuhay nang may kabuluhan. Ang tao ay nabubuhay sa gitna nang pagiging makalaman, nabubuhay siya sa tila isang impiyerno at kung wala ang pagtutuwid at pagpaparusa ng Diyos, kasing karima-rimarim ng tao si Satanas. Paano magiging banal ang tao? Naniniwala si Pedro na ang pagtutuwid at paghahatol ng Diyos ang pinakapatnubay ng tao at pinakadakilang kagandahang-loob. Tanging sa pamamagitan lang ng pagtutuwid at paghahatol ng Diyos gigising ang tao, kapootan ang kaniyang pagiging makalaman at kapootan rin si Satanas. Ang matinding pagdidisiplina ng Diyos ang nagpapalaya sa tao mula sa pananakop ni Satanas, sa makipot na mundo at hinahayaang mamuhay sa maliwanag na gabay ng Diyos. Walang nang hihigit pang kaluwalhatian kundi ang pagtutuwid at paghahatol! Nanalangin si Pedro, “O Diyos! Hangga’t patuloy Mo akong tinutuwid at nililitis, lubos kong nalalaman na hindi Mo ako iiwan. Kahit na hindi Mo ako bigyan ng kagalakan o kapayapaan at hayaan akong magdusa, at bigyan Mo ako ng napakaraming kahatulan, hangga’t hindi Mo ako iniiwan, ako ay magiging panatag. Ngayon, ang Iyong pagtutuwid at paghahatol ang aking naging pinakakanlungan at pinakadakilang pagpapala. Ang ibinibigay Mong kagandahang-loob ay nag-iingat sa akin. Ang Iyong kagandahang-loob na inilalaan sa akin ay tanda ng Iyong makatuwirang kalooban, at pagtutuwid at pagpaparusa; bukod diyan, ito ay isang pagsubok, at isang buhay na puno ng pagdurusa.” Isinantabi ni Pedro ang kaniyang mga makalamang pagnanasa at hinanap ang mas malalim na pag-ibig at higit na pag-iingat dahil marami siyang natanggap mula sa pagtutuwid at paghuhukom. Sa buhay ngayon, kung nais ng tao na maging malinis at matamo ang pagbabago ng katangian, kung nais niya na magkaroon ng makabuluhang buhay at gawin ang kaniyang tungkulin bilang nilalang, dapat tanggapin ang pagpaparusa at paghahatol ng Diyos, at hindi dapat hayaan na mawala ang disiplinang iginagawad ng Diyos upang mailayo siya mula sa pananakop ni Satanas at manatiling mamuhay kasama ng Diyos sa liwanag. Ang kaparusahan at kahatulan mula sa Diyos ay ang liwanag, at ang liwanag sa kaluwalhatian ng tao, at wala nang iba pang nakahihigit na pagpapala, kagandahang-loob o pag-iingat para sa tao. Ang tao ngayon ay nabubuhay sa pananakop ni Satanas at namumuhay sa laman; kung hindi siya magiging dalisay at hindi makatatanggap ng pag-iingat mula sa Diyos, lalong magiging napakasama. Kung nais ng tao na ibigin ang Diyos, dapat siyang madalisay at mailigtas. Nanalangin si Pedro, “Diyos ko, kapag ako ay pinagpapakitaan Mo ng kabaitan, ako ay nalulugod at nasisiyahan; kapag pinaparusahan Mo ako, higit na kaligayahan ang aking nadarama. Bagaman mahina ako at nagbabata ng mga di-inaasahang pagdurusa, bagaman mayroong mga luha at kalungkutan, batid Mo na ang panlulumong ito ay dahil sa aking pagkamasuwayin at kahinaan. Nalulungkot ako dahil hindi ko natutupad ang Iyong mga kahilingan ngunit handa akong gawin ang lahat makamit lang ang Iyong pagsang-ayon, mapasaya man lang Kita. Ginabayan ako ng Iyong kaparusahan at nilaanan ako ng pinakadakilang kaluwalhatian; ang Iyong paghahatol ay nagsiwalat ng Iyong mahabang pagtitiis. Kung wala ang Iyong pagpaparusa at paghahatol, hindi ako masisiyahan sa Iyong awa at maibiging-kabaitan. Ngayon, lubos kong napagmamasdan ang Iyong dakilang pag-ibig na pumaibabaw sa langit at sa lahat ng bagay. Ang Iyong pag-ibig ay hindi lang puno nang kaawaan at maibiging-kabaitan; ito ay higit pa roon, ito ay pagpaparusa at paghahatol. Ang Iyong parusa at paghatol ay nagbigay ng maraming bagay sa akin. Kung wala ang Iyong kaparusahan at paghatol, walang taong magiging malinis at makadarama ng pag-ibig ng Maylikha. Bagaman marami akong natiis na mga pagsubok at kapighatian, at nakaranas nang mabingit sa kamatayan, ang gayong pagdurusa[a] ang nagganyak sa akin na makilala Kita at matamo ang kaluwalhatian. Kung ang Iyong pagpaparusa, paghahatol at disiplina ay mawawalay sa akin, mabubuhay ako sa kadiliman, sa ilalim ni Satanas. Ano nga ba ang matatamo ng tao sa sariling laman? Kung ang Iyong kaparusahan at paghatol ay mawawalay sa akin, waring ang Iyong Espiritu rin ay itinakwil na ako, nawalay Ka sa akin. Kung gayon nga, paano ako mabubuhay? Kung bibigyan Mo ako ng karamdaman at hindi ako magiging malaya, maaari pa rin akong mabuhay, ngunit kung ang Iyong kaparusahan at paghatol ay mawawalay sa akin, hindi ko na kayang mabuhay pa. Kung mawawala ang Iyong kaparusahan at paghatol, mawawalay ako sa Iyong pag-ibig, ang pag-ibig na hindi masusukat ang lalim. Kung hindi dahil sa Iyong pag-ibig, mananatili ako sa ilalim ni Satanas at hindi makikita ang Iyong kaluwalhatian. Paano ako makakapagpatuloy sa buhay, sabi Mo? Ang gayong kadiliman, ang gayong buhay ay hindi ko kayang batahin. Ang pagkakilala sa Iyo ay tulad nang namamasdan Kita, kaya bakit Kita iiwan? Nagmamakaawa sa Iyo, nakikisuyo na huwag ihiwalay ang nagpapaaliw sa akin, kahit na muling tiyakin sa akin ito sa ilang mga salita. Nasiyahan sa Iyong pag-ibig, at hindi kayang lumayo sa Iyo, paanong hindi Kita iibigin? Marami akong itinangis dahil sa Iyong pag-ibig subalit laging nararamdaman na ang buhay ay higit na makabuluhan, pinabuti, binago, at tinulungang makamit ang katotohanang taglay dapat ng mga nilalang.”

   Ang buong buhay ng tao ay nasa ilalim ni Satanas at hindi kayang lumaya ng tao mula rito sa kaniyang ganang sarili. Lahat ay nabubuhay sa maruming sanlibutan, sira at walang halaga, namumuhay nang makalaman, may pagnanasa at para kay Satanas. Walang anumang halaga ang kanilang buhay. Hindi kaya ng tao na hanapin ang katotohanang magpapalaya sa kaniya mula kay Satanas. Kahit na naniniwala ang tao sa Diyos at nagbabasa ng Bibliya, hindi niya nauunawaan kung paano siya mapalalaya kay Satanas. Sa mga nakalipas na panahon, kakaunti lamang ang nakaalam at tumanggap nito. Dahil dito, bagaman kinasusuklaman ng tao si Satanas, ang sariling laman, hindi pa rin niya alam kung paano makalalaya mula kay Satanas. Hindi ka na ba nasa ilalim ni Satanas sa ngayon? Hindi ka nagsisisi sa pagsuway mo o kahit aminin man lang na ikaw ay marumi at masuwayin. Pagkatapos mong salansangin ang Diyos, ikaw ay nanatiling payapa ang isip. Ang kapayapaan mo ba ay dahil sa kasiraan? Ang kapayapaan ba ng iyong pag-iisip ay dahil sa pagkamasuwayin? Ang tao ay nabubuhay sa parang isang impiyerno, nabubuhay sa madilim na pananakop ni Satanas; sa buong lupa, ang mga multo ng nakaraan ay naninirahan kasama ng tao, nanghimasok sa katawan ng tao. Hindi ka nabubuhay sa isang magandang paraiso sa lupa. Ikaw ay nabubuhay sa tirahan ng Diyablo, isang impiyerno, isang daigdig ng mga patay. Kung ang tao ay hindi magiging dalisay, siya ay mananatiling marumi; kung hindi nagagabayan at kinakalinga ng Diyos, siya ay mananatiling alipin ni Satanas; kung hindi mahahatulan at mapaparusahan, hindi siya makalalaya sa madilim na pananakop ni Satanas. Ang iyong maling kalooban at pagkamasuwaying kilos ay sapat na saligang nanatili ka nga sa ilalim ni Satanas. Kung ang iyong kaisipan at saloobin ay hindi pa nadadalisay, at ang iyong kalooban ay hindi pa nahahatulan, samakatuwid nga ang iyong buong pagkatao ay pinaghaharian ni Satanas, ang iyong kaisipan, saloobin, ang lahat ng sa iyo ay nasa ilalim ng kamay ni Satanas. Hindi mo ba alam sa ngayon kung gaano ka na kalayo sa halimbawa ni Pedro? Ikaw ba ay may kakayahan? Gaano karami ang alam mo sa pagpaparusa at paghahatol sa ngayon? Gaano karami ang iyong taglay ng katulad sa naging kaalaman ni Pedro? Kung sa ngayon ay wala ka pang kaalaman, maaari mo bang matamo ang kaalamang iyon sa hinaharap? Ang katulad mong tamad at duwag ay walang kakayahang makaalam ng tungkol sa paghahatol at kaparusahan ng Diyos. Kung ikaw ay magiging makalaman, wala kang karapatang maging dalisay at sa bandang huli ay babalik kay Satanas sapagkat ang iyong isinasabuhay ay si Satanas at ang iyong laman. Sa ngayon, marami ang hindi humahanap sa buhay, ibig sabihin ay hindi nila isinasaalang-alang ang pagiging dalisay o pumasok sa malalim na pagtahak ng buhay. Paano sila kung gayon, magiging sakdal? Ang mga taong hindi naghahagilap sa buhay ay hindi magkakaroon ng pagkakataong maging sakdal at ang mga taong hindi kumukuha ng kaalaman tungkol sa Diyos at hindi nagbabago ng kanilang kalooban ay hindi makatatakas mula sa madilim na impluwensiya ni Satanas. Kung tungkol sa kanilang kaalaman sa Diyos at pagpasok sa buhay at pagbabago ng kalooban, hindi sila tiyak dito, katulad nang sa mga naniniwala sa relihiyon at gumagawa ng mga ritwal sa kanilang pagsamba. Hindi ba’t pagsasayang lamang ito nang panahon? Kung, ayon sa paniniwala ng tao sa Diyos, siya ay hindi tiyak sa mga bagay-bagay sa buhay, hindi nagsusumikap makapasok sa katotohanan, at lalong hindi naghahanap ng kaalaman tungkol sa Diyos, siya nga ay hindi gagawing sakdal. Kung gusto mo maging sakdal, kailangan mong maunawaan ang kahalagahan ng mga gawain ng Diyos. Sa madaling salita, dapat mong maunawaan ang kahalagahan ng Kaniyang kaparusahan at paghatol at bakit ito iginagawad sa tao. Handa mo ba itong tanggapin? Habang pinaparusahan, kaya mo bang makamit ang mga naging karanasan at kaalaman ni Pedro? Kung ipagpapatuloy mo ang iyong kaalaman sa Diyos at ang mga gawain ng Banal na Espiritu at babaguhin ang iyong kalooban, magkakaroon ka ng pagkakataong maging sakdal. Para sa mga gagawing sakdal, ang gawaing ito ay kailangang-kailangan, minsan lang siya madadaig at makararanas ng mga gawain ng pagiging sakdal. Walang halaga ang pagtatanghal lang ng pagiging nalupig, hindi ito aakma upang gamitin ka ng Diyos. Hindi ka magkakaroon ng pagkakataon na ibahagi ang ebanghelyo, sapagkat hindi mo hinahanap ang buhay at hindi nagbabago ang sarili, kung kaya walang karanasan sa buhay. Sa paggawa nito nang isa-isa, minsan ka nang naging tagapaglingkod at isang sagabal, ngunit kung hindi mo pinagsikapang maging tulad ni Pedro at ang iyong pagsisikap ay hindi kaayon nang ginawa ni Pedro kung kaya siya ginawang sakdal, tiyak na hindi ka makagagawa ng anumang pagbabago sa iyong kalooban. Kung ikaw ay isang nagnanais na maging sakdal, dapat kang maging patotoo mismo at sasambitin mo: “Dahil sa pamamaraang ito, tinanggap ko ang kaparusahan at paghahatol ng Diyos, at bagaman nagtiis ako ng matinding pagdurusa lubos kong napagtanto kung paano ginagawang sakdal ng Diyos ang tao, nakamit ko ang mga gawain ng Diyos, nakamit ko ang kaalaman ng makatuwirang Diyos, at ang Kaniyang kaparusahan ay nagligtas sa akin. Ang Iyong makatuwirang kalooban ay dumating sa akin at biniyayaan ako at ang Iyong kahatulan ay ginabayan at dinalisay ako. Kung hindi ako pinarusahan at hinatulan ng Diyos, at kung ang Kaniyang mga masasakit na salita ay hindi ko narinig, hindi ko Siya makikilala ni maililigtas ako. Ngayon ay nalaman ko bilang nilalang, na lahat ng Kaniyang mga nilalang ay dapat masiyahan sa makatuwirang kalooban ng Diyos, masiyahan mula sa Kaniyang matuwid na paghatol dahil ang kalooban ng Diyos ay karapat-dapat na kasiyahan ng tao. Bilang nilalang na naimpluwensiyahan ni Satanas, dapat na masiyahan ang isa sa matuwid na kalooban ng Diyos. Sa Kaniyang makatuwirang kalooban ay mayroong kaparusahan at paghahatol at higit sa lahat, ay ang Kaniyang dakilang pag-ibig. Bagaman wala akong kakayahan na matamo ang buong pag-ibig ng Diyos sa ngayon, mayroon naman akong katiyakan na makita iyon, at dahil dito ay tunay na may kagandahang-loob.”

   Ito ang daan na nilakaran nang mga ginawang sakdal at ang kaalamang kanilang naihayag. Ang mga taong iyon ay katulad kay Pedro; naranasan nila ang katulad kay Pedro. Sila rin ay nakamit ang buhay at nagtataguyod ng katotohanan. Kung ito ay mararanasan ng tao hanggang sa huli, tuluyan niyang mailalayo ang sarili kay Satanas hanggang sa araw ng paghuhukom ng Diyos, at matatamo niya ang Diyos.

   Pagkatapos nilang malupig, ang mga tao ay nawalan ng patotoo. Halos matuya na nila si Satanas ngunit hindi isinabuhay ang salita ng Diyos. Hindi mo nakamit ang ikalawang pagluluwalhati; halos natamo ang kapatawarang handog sa kasalanan, subalit hindi ka naging sakdal – isa ngang tunay na kawalan. Dapat mong maunawaan ang iyong pinapasok, ang iyong dapat na isabuhay, at dapat na pumasok ka rito. Kung, sa huli, ay hindi mo nakamit ang kasakdalan, hindi mabubuo ang iyong pagkatao at tiyak na magsisisi ka. Sila Adan at Eba ay nilalang ng Diyos bilang mga taong banal sa pasimula, anupat sila ay sakdal at hindi marumi noon sa Hardin ng Eden. Sila rin ay mga taong tapat kay Jehova at wala silang alam tungkol sa pagtataksil kay Jehova. Ito ay dahil sa wala sila sa ilalim ng pananakop ni Satanas na makamandag anupat sila ang pinakabanal sa sangkatauhan, Sila ay nakatira sa Hardin ng Eden, hindi nadumihan, hindi taglay ang makalamang pagnanasa, at masunurin kay Jehova. Hindi nagtagal, nang sila ay tuksuhin ni Satanas, nadaya sila ng ahas at nagkaroon ng udyok na pagtaksilan si Jehova at nabuhay sila sa pananakop ni Satanas. Sa pasimula, sila ay mga banal at mapagpasakop kay Jehova. Ngunit nang maglaon, pagkatapos silang tuksuhin ni Satanas, kinain nila ang bunga ng punongkahoy para makaaalam ng mabuti at masama, at namuhay sa pananakop ni Satanas, Unti-unti silang nasira ni Satanas at nawala ang unang imahe nang pagiging tao. Noong pasimula, ang tao ay masunurin kay Jehova at wala kahit katiting na pagkamasuwayin at kasamaan sa kanilang puso. Noong panahon na iyon, sila nga ay maituturing na talagang tao. Ngunit pagkatapos silang mawasak ni Satanas, sila ay naging isang hayop: Ang kanilang kaisipan ay napuno ng kasamaan at karumihan, walang kabutihan at kabanalan. Hindi ba’t ganito si Satanas? Naranasan mo ang mga gawain ng Diyos ngunit hindi ka man lang nagbago o nadalisay. Ikaw ay nabubuhay pa rin sa ilalim ng pamumuno ni Satanas at hindi nagpapasakop sa Diyos. Ganito ang taong nalupig ngunit hindi pa naging sakdal. At bakit hindi pa naging sakdal ang gayong tao? Dahil siya ay hindi nagpatuloy na hanapin ang buhay o ang kaalaman hinggil sa mga gawain ng Diyos at nag-imbot ng mga makalamang pagnanasa at pansamantalang kasiyahan. Ang bunga nito ay hindi nagbago ang katangian sa buhay at hindi muling natamo ang panimulang imahe ng tao na nilalang ng Diyos. Ang mga gayong tao ay mga naglalakad na bangkay, mga patay na nilalang na walang espiritu. Ang mga hindi naghahanap ng kaalaman hinggil sa espiritu, ang mga hindi naghahanap ng kabanalan, at ang mga hindi namumuhay kaayon ng katotohanan, anupat sapat na sa kanila ang malupig ng maling bagay at wala silang kakayahang mamuhay na ipamalas ang katotohanan at maging isa sa mga taong banal – sila yong mga hindi nailigtas. Sapagkat, kung hindi niya taglay ang katotohanan, hindi kakayanin ng taong manatiling nakatayo sa mga pagsubok mula sa Diyos; tanging ang may kakayahan tumayong matatag sa mga pagsubok ang maililigtas. Ang mga nais ko ay mga taong tulad ni Pedro, mga taong nagnanais maging sakdal. Ang gayong pagtubos ay matatanggap ng mga nagnanais mailigtas ng Diyos, at hindi lang upang makamit mo ito, kundi upang matamo mo rin ang Diyos. Matatamo mo ang Diyos upang matamo ka rin Niya. Sinalita Ko ang mga ito ngayon sa iyo at narinig mo ang mga iyon, at kailangan mong tuparin ang mga ito. Sa huli, kapag isinagawa mo ang mga ito anupat natamo kita sa mga salitang ito; gayundin ay matatamo mo ang mga salitang ito, sa gayon nga ay nakamit mo ang pinakadakilang kaligtasan. Kapag ikaw ay nadalisay na, ikaw nga ay magiging tunay na tao. Kung hindi mo kayang isabuhay ang katotohanan o mamuhay tulad ng taong ginawa nang sakdal, masasabing ikaw ay hindi isang tao, kundi isa kang naglalakad na bangkay, isang hayop dahil wala sa iyo ang katotohanan, anupat masasabing wala sa iyo si Jehova, kaya ikaw nga ay patay at walang espiritu! Bagaman maaaring gumawa ng patotoo pagkatapos mong malupig, ang natamo mo lamang ay maliit na kaligtasan at hindi ka umiiral nang puspos ng espiritu. Bagaman nakaranas ka ng pagpaparusa at paghatol, ang iyong kalooban ay hindi napalitan o nabago; taglay mo pa rin ang dati mong pagkatao, pagmamay-ari ka pa rin ni Satanas at ikaw ay hindi nadalisay. Tanging yong mga ginawang sakdal lang ang mga may halaga at sila lang ang nakatanggap ng tunay na buhay. Isang araw, may magsasabi sa iyo, “Naranasan mo ang mga gawain ng Diyos, kaya magkuwento ka tungkol sa kung ano ang Kaniyang mga gawa. Naranasan ni David ang mga gawain ng Diyos at namasdan ang mga gawain ni Jehova, namasdan din ni Moises ang mga gawain ni Jehova at pareho nilang nailarawan ang mga gawain ni Jehova at nasambit ang kamangha-manghang si Jehova. Namasdan mo ang mga ginawa ng Diyos na nagkatawang-tao; kaya mo bang banggitin ang Kaniyang karunungan? Kaya mo bang sabihin ang kamangha-manghang mga gawa Niya? Ano ang mga atas ng Diyos na ipinagawa Niya sa iyo at paano mo naranasan ang mga iyon? Naranasan mo ang mga gawain ng Diyos habang nasa huling araw; ang pinakadakila mong pangitain? Kaya mo bang sambitin ito? Kaya mo bang banggitin ang tungkol sa makatuwirang kalooban ng Diyos?” Kaya mo bang sagutin ang mga ganitong tanong? Kung masasabi mong, “Ang Diyos ay makatuwiran, pinaparusahan at hinahatulan Niya tayo, at lubos tayong inilalantad. Ang kalooban ng Diyos ay talagang sadyang nasusuway ng tao. Pagkatapos kong maranasan ang mga gawain ng Diyos, nabatid ko ang aking sariling kalupitan, at namasdan ko ang makatuwirang kalooban ng Diyos,” at tatanungin ka pang muli ng isa sa kanila, “Ano pa ang mga alam mo tungkol sa Diyos? Paano siya makapapasok sa gayong buhay? Mayroon ka bang sariling mga hangarin?” Sasagot ka ng, “Pagkatapos mawasak ni Satanas, ang mga nilalang ng Diyos ay naging mga hayop at walang pinagkaiba sa mga asno. Ngayon ay nabubuhay ako sa kamay ng Diyos kung kaya dapat kong matupad ang mga atas ng Maylikha at sundin ang anumang mga turo Niya. Wala akong ibang pagpipilian.”Kung ikaw ay magsasalita nang pangkalahatan, hindi maiintindihan ng iyong kausap ang iyong sinasabi. Kapag ikaw ay tinanong nila tungkol sa iyong kaalaman sa mga gawain ng Diyos, ang tinutukoy nila ay ang mga naging karanasan mo mismo. Tinatanong nila ang iyong kaalaman tungkol sa kaparusahan at paghuhukom ng Diyos pagkatapos mo itong maranasan, kung kaya ang tinutukoy nila ay ang iyong mga naging karanasan at hinihimok ka nilang magsalita ng kaalaman mo tungkol sa katotohanan. Kung hindi ka makapagsasalita ng mga gayong bagay, ipinapakita nitong wala kang alam tungkol sa mga gawain ngayon. Madalas kang magsalita ng mga mabababaw na bagay, o mga bagay na alam ng lahat; wala kang tiyak na karanasan, o malalim na kaalaman, at wala ka ring tamang patotoo kung kaya hindi sila naniniwala sa iyo. Huwag kang maging tahimik na tagasunod ng Diyos at huwag maging mausisa. Maging malamig ka man o mainit, itatakwil ang iyong sarili at ipagpapaliban ang buhay. Tanggalin mo ang pagsawalang-kibo at pagiging tahimik at maging dalubhasa sa paghahanap ng mga wastong bagay at makayanan ang mga kahinaan upang matamo ang katotohanan at mamuhay kaayon nito. Walang nakapangangamba sa iyong mga kahinaan at ang iyong mga pagkakamali ay hindi isang pinakamalaking problema. Ang iyong pinakamalaking problema at pinakamatinding pagkakamali ay ang hindi pagiging mainit o malamig at ang kawalang interes na hanapin ang katotohanan. Ang pinakamalaking problema sa lahat ay ang duwag na kaisipan anupat masaya ka na sa kung ano ang kalagayan ngayon at naghihintay nang walang kibo. Ito ay isang malaking balakid para sa iyo at isang matinding kaaway sa paghanap sa katotohanan. Kung ikaw ay magiging masunurin dahil lamang sa malalim ang aking mga sinabi, kung gayon ay hindi mo tunay na taglay ang kaalaman ni pinagyayaman ang katotohanang ito. Ang ganyang pagkamasunurin ay hindi isinasama bilang patotoo at hindi ko tinatanggap ang ganyang pagkamasunurin. Maaaring may magtanong sa iyo, “Saan ba talagang nanggaling ang iyong Diyos? Ano ang yaman ng iyong Diyos?” Tutugon ka nang, “Ang Kaniyang yaman ay ang kaparusahan at paghahatol.” ”Hindi ba’t ang Diyos ay mahabagin at maibigin sa tao? Hindi mo ba alam ang mga ito?” Sasabihin mo, “Ang Diyos nila ay ganoon. Iyon ang Diyos na pinaniniwalan ng mga tao ng relihiyon, hindi iyon ang Diyos namin.” Kung ang mga taong katulad mo ang nagpapalaganap ng ebanghelyo, ang tamang daan ay nababaluktot mo kaya ano pa ang iyong halaga? Paano matatamo ng tao ang tamang daan mula sa iyo? Hindi mo taglay ang katotohanan at hindi kayang magsalita ng katotohanan ni mamuhay na taglay ang katotohanan. Ano ang dahilan mo para mabuhay sa harap ng Diyos? Kapag sinasabi mo sa iba ang ebanghelyo, at kapag sinasabi mo ang katotohanan at gumagawa ng patotoo sa Diyos, kung wala kang kakayahan na magwagi sa kanila, pabubulaanan nila ang iyong salita. Hindi ka ba isang pagsasayang lang? Naranasan mo ang maraming mga gawain ng Diyos, ngunit kapag nagsasalita ka ng katotohanan ay nawawalang-saysay ito. Ikaw ba ay walang-silbi? Ano ang iyong kabuluhan? Paanong nakaranas ka ng mga gawain ng Diyos ngunit wala kahit katiting na kaalaman tungkol sa Kaniya? Kapag tinanong ka nila tungkol sa kaalaman mo sa Diyos, ikaw ay nauubusan ng mga salita, o sasagot nang mga walang-saysay – sinasabi mong ang Diyos ay makapangyarihan, na ang iyong mga pagpapalang natanggap ay isang tunay na pagluluwalhati sa Diyos at wala nang hihigit pang pribilehiyo ang magkaroon ng kakayahang mamasdan ang Diyos. Ano ang kahalagahan nang pagsasabi nito? Ito nga ay walang-saysay, mga walang-kabuluhang salita! Naranasan mo ang maraming mga gawain ng Diyos, hindi mo ba alam na ang pagdakila sa Diyos ang katotohanan? Dapat mong malaman ang mga gawain ng Diyos at sa gayong paraan ka lamang magiging isang tunay na patotoo sa Diyos. Paanong magiging patotoo sa Diyos yaong mga hindi nakatanto ng katotohanan?

Kung ang maraming mga gawa at kahit ang mga salita ay walang epekto sa iyo, sa gayon kapag dumating ang panahon upang ipalaganap ang mga gawain ng Diyos, hindi mo magagampanan ang iyong tungkulin at ikaw ay mapapahiya. Sa panahong iyon ay magkakaroon ka ng utang na loob sa Diyos, ang iyong kaalaman sa Kaniya ay hindi tiyak. Kung hindi mo ipagpapatuloy ang iyong kaalaman ngayon sa Diyos, habang Siya ay gumagawa pa, sa susunod ay magiging huli na ang lahat. Sa pagtatapos, ikaw ay walang kaalaman sa iyong mga sinasabi – ikaw ay mawawalan ng saysay, walang matitira sa iyo. Ano nga, kung gayon, ang gagamitin mo para sa Diyos? Mayroon ka bang karapatan na mayamot sa Diyos? Kailangan mong magsumikap ngayon sa iyong gawain upang sa bandang huli, tulad ni Pedro, malalaman mo ang kahalagahan ng pagpaparusa at paghuhukom ng Diyos sa tao, at kung wala ang Kaniyang pagpaparusa at paghuhukom, ang tao ay hindi maililigtas at lulubog lang dito sa maruming lupain, lupain ng malabnaw na dumi. Ang mga tao ay winasak ni Satanas, nakatawag-pansin laban sa isa’t-isa at naging magaspang sa isa’t-isa, nawalan ng makadiyos na pagkatakot, at ang kanilang pagkamasuwayin ay lubusan, marami ang kanilang mga haka-hakang pananaw at lahat nang iyon ay pag-aari ni Satanas. Kung wala ang pagpaparusa at paghahatol ng Diyos, ang wasak na kalooban ng tao ay hindi malilinis at siya ay hindi maililigtas. Anumang inihayag ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay katulad nang inihayag ng Espiritu, at ang gawain na Kaniyang isinasagawa kaayon nito ay inihayag ng Espiritu. Ngayon, kung wala kang kaalaman tungkol sa gawain, isa ka ngang mangmang at marami kang naging kawalan! Kung hindi mo natamo ang kaligtasan ng Diyos, ang iyong pananampalataya ay isang relihiyosong paniniwala, at isa kang Kristiyanong nakasalig sa relihiyon. Dahil ikaw ay nanghahawakan sa mga doktrina ng nakaraan, naiwala mo ang mga bagong gawain ng Banal na Espiritu; samantalang ang iba na humanap sa Diyos ay nakamit ang katotohanan at buhay, ngunit ang iyong pananampalataya ay walang kakayahang makamit ang pagsang-ayon ng Diyos. Ikaw nga ay naging manggagawa ng kasamaan, isang taong gumagawa ng nakapapahamak at nakaririmarim na mga gawa, naging tudlaan ng mga tukso, at alipin ni Satanas. Ang Diyos ay hindi ganoon kapani-paniwala sa tao sa halip ay iniibig siya, hinahanap siya at pinaglilingkuran siya. Kung hindi mo ito pagsisikapan ngayon, darating ang panahon na sasabihin mo, “Kung sinunod ko lang ang Diyos nang wasto at pinalugdan Siya nang wasto. Kung nagsumikap lamang ako para magbago ng kalooban sa buhay. Pinagsisisihan ko ang hindi pagsunod sa Diyos noon, at hindi ko paghanap ng kaalaman ng salita ng Diyos. Maraming sinambit ang Diyos noon; bakit hindi ko Siya hinanap? Isa nga akong mangmang!” Kapopootan mo ang iyong sarili pagdating ng panahon. Ngayon ay hindi mo paniniwalaan ang aking mga sinasabi at hindi mo ito binibigyang-pansin; kapag dumating na ang araw ng gawain para ipalaganap ito, at nakita mo na ang kabuoan nito, tiyak na magsisisi ka, at ikaw ay masisiraan ng loob. Mayroong mga pagpapala ngunit hindi ka nasisiyahan doon at mayroong katotohanan ngunit hindi mo ito hinahanap. Hindi ka ba naglalagay nang kapahamakan sa iyong sarili? Ngayon, bagaman magsisimula pa lamang ang mga bagong gawain ng Diyos, walang katangi-tangi sa kahilingan sa iyo at sa mga bagay na ipinapasabuhay sa iyo. Marami ang gawain at marami ang katotohanan; hindi ba ito mahalaga para alamin mo? Hindi ba gumigising ng iyong espiritu ang pagpaparusa at paghahatol ng Diyos? Hindi ka ba nauudyukan na kapootan ang iyong sarili dahil sa pagpaparusa at paghahatol ng Diyos? Sapat na ba sa iyong mabuhay sa ilalim ng impluwensiya ni Satanas, na mayroong kapayapaan at kagalakan at kakaunting makalamang kaluguran? Hindi ba ikaw ang pinakamababa sa buong sangkatauhan? Walang nang hihigit pa sa kamangmangan ng mga nakakita ng kaligtasan ngunit hindi pa pinagsumikapang makamit ito: Sila ay mga taong nagpapakabusog sa kanilang laman at nalulugod kay Satanas. Umaasa ka na ang iyong pananampalataya sa Diyos ay hindi mangangailangan ng mga pagsubok o ng kahit kaunting paghihirap. Lagi mong hinahabol ang mga bagay na walang kabuluhan, at hindi mo binibigyang-halaga ang buhay, sa halip ay inuuna mo ang iyong labis na kaisipan bago ang katotohanan. Ikaw nga ay walang halaga! Nabubuhay kang parang baboy – ano nga ba ang kaibahan mo sa mga baboy at aso? Hindi ba’t lahat niyaong hindi naghahanap ng katotohanan, kundi iniibig ang laman, ay mga hayop? Ang mga taong patay at walang espiritu ay mga lumalakad na bangkay? Gaano na karaming salita ang nasambit sa gitna ninyo? Gaano na karami ang inilaan ko sa inyo? At bakit hindi mo ito nakamit? Ano ang iyong mairereklamo? Hindi ba’t wala kang natamo dahil sa iyong pag-ibig sa laman? At hindi ba dahil sa iyong labis na kaisipan? Hindi ba’t dahil sa ikaw ay hangal? Kung hindi mo matatamo ang gayong mga pagpapala, masisisi mo ba ang Diyos dahil hindi ka Niya iniligtas? Ang iyong inaabot ay para matamo ang kapayapaan pagkatapos mong makilala ang Diyos – upang ang iyong mga anak ay mailayo sa sakit, upang ang iyong asawa ay magkaroon ng magandang trabaho, upang ang iyong anak na lalaki ay magkaroon ng mabuting asawang babae, upang ang iyong anak na babae ay makahanap ng disenteng asawang lalaki, upang ang iyong mga baka at kabayo ay makapag-araro nang mahusay, upang magkaroon ng magandang klima sa buong taon para magkaroon ng saganang ani. Ito ang iyong mga hinahanap. Ang iyong mga gawain ay para mabuhay nang maginhawa, upang walang trahedya ang dumating sa iyong pamilya, upang ang hangin ay lagpasan lamang kayo, upang ang iyong mukha ay hindi mabahiran ng galit, upang ang iyong mga ani ay hindi bahain, upang ikaw ay makaiwas sa mga kalamidad, upang mabuhay sa awa ng Diyos, upang mabuhay sa isang maginhawang tirahan. Ang duwag na kagaya mo, na palaging naghahabol sa laman – mayroon ka bang puso, mayroon ka bang espiritu? Hindi ka ba isang hayop? Ibinigay ko sa iyo ang tamang daan nang hindi humihingi ng kapalit, ngunit hindi mo ito tinaguyod. Hindi ba’t hindi ka naiba sa isang baboy o aso? Ang mga baboy ay hindi naghahanap ng buhay ng tao, hindi nila ninanais na madalisay, at hindi nila nauunawaan ang buhay. Bawat araw, pagkatapos nilang kumain, natutulog na sila. Ibinigay ko ang tamang daan ngunit hindi mo ito tinahak: Wala kang pagmamay-ari. Nais mo bang ipagpatuloy ang ganitong buhay, buhay ng isang baboy? Ano nga ba ang halaga ng mga gayong tao na nabubuhay? Ang iyong buhay ay napakasama at walang-dangal, nabubuhay ka sa gitna ng karumihan at kahalayan, at hindi ka nagkakaroon ng mga hangarin; hindi ba’t ang iyong buhay ang pinakawalang-dangal sa lahat? Mayroon ka bang karapatang mayamot sa Diyos? Kung ipagpapatuloy mo ito, hindi ba’t wala kang matatamo? Inilaan na sa iyo ang tamang daan, ngunit nakasalalay na ito sa iyo kung ito ay makakamit mo o hindi. Sila ay magsasabi sa iyo na ang iyong Diyos ay isang makatuwirang Diyos, at hanggang Siya ay iyong sinusunod hanggang sa huli, tiyak na hindi Siya magtatangi sa mga tao sapagkat Siya ang pinakamakatuwiran. Kung susundin Siya ng tao hanggang sa huli, kaya ba Niyang ihiwalay siya? Ako nga ay hindi nagtatangi sa mga tao at hinahatulan Ko sila kaayon ng Aking makatuwirang kalooban, anupat mayroon akong mga nararapat na tuntuning tagubilin Ko sa mga tao, at anuman ang Aking hilingin ay kailangang tuparin, maging sinuman sila. Hindi Ko alintana ang lawak o kung gaano kagalang-galang ang iyong kuwalipikasyon; ang tinitingnan Ko ay kung lumalakad ka sa Aking daan, at kung iniibig at hinahanap mo ang katotohanan o hindi. Kung ikaw ay kulang sa katotohanan, at nagbibigay kahihiyan sa Aking pangalan, at hindi kumikilos ayon sa Aking daan, halos hindi sumusunod nang may pakialam dito, kung gayon nga ay pababagsakin kita at parurusahan dahil sa iyong kasamaan, at ano nga ang masasabi mo sa panahong iyon? Masasabi mo bang ang Diyos ay hindi makatuwiran? Ngayon, kung susunod ka sa Aking mga salita, ikaw nga yaong taong kinalulugdan Ko. Sasabihin mo na ikaw ay laging nagdurusa sa pagsunod sa Diyos, na masunurin ka sa Kaniya anuman ang kalagayan, ngunit hindi mo isinabuhay ang salita ng Diyos; hinahabol mo lamang ang Diyos sa paglipas ng araw, at hindi nabubuhay nang may kabuluhan. Sinasabi mo sa paano man na ang Diyos ay makatuwiran: Nagdusa ka para sa Kaniya, tumakbong kasama Siya, nagbigay debosyon sa Kaniya, at masigasig na gumawa kahit walang pabuya; tiyak na aalalahanin ka Niya. Tunay ngang ang Diyos ay makatuwiran, ngunit ang gayong katuwiran ay nadudumihan ng kamalian: Wala itong interes ng sa tao o narumihan nang makalaman o anumang mga gawain ng tao. Ang lahat ng mga mapanghimagsik at sumasalansang, at hindi sumusunod sa Kaniyang daan ay paparusahan; walang patatawarin at walang makaliligtas sa kahatulan! Ang ilan ay magsasabi, “Ngayon ay tumatakbo ako para sa Iyo; at kapag dumating ang wakas, maaari Mo ba akong bigyan ng pagpapala?” Kaya tinatanong kita, “Tinupad mo ba ang Aking mga salita?”Ang katuwiran na iyong sinasalita ay salig sa pagkakaunawaan. Iniisip mong dahil Ako ay makatuwiran at hindi nagtatangi sa mga tao, at ang lahat ng mga sumusunod sa Akin ay siguradong maliligtas at makatatanggap ng mga pagpapala sa huli. Mayroong higit na kahulugan ang Aking mga salitang “lahat niyaong mga sumusunod sa Akin ay tiyak na maliligtas sa huli”: Lahat niyaong mga sumusunod sa Akin ay tiyak na matatamo Ako sa huli, sila yaong, pagkatapos Kong malupig, ay hinanap ang katotohanan at ginawang sakdal. Ano ang iyong mga natamo? Sinunod mo lang Ako sa kahuli-hulihan pero bukod doon ay ano pa? Natupad mo ang Aking limang kahilingan, ngunit wala kang interes na tuparin ang natitirang apat. Natagpuan mo ang pinakasimple, pinakamadaling tahakin at hinanap ito anupat iniisip na ikaw ay mapalad. Ang Aking makatuwirang kalooban na mayroong pagpaparusa at kahatulan ay para sa taong katulad mo, isa iyon sa mga makatuwirang kagantihan, at isang makatuwirang kaparusahan para sa mga manggagawa ng kasamaan; lahat niyaong mga hindi lumakad sa Aking daan ay tiyak na paparusahan, kahit na sila ay sumunod hanggang sa huli. Ito ang katuwiran ng Diyos. Kapag ang gayong makatuwirang kalooban ng Diyos ay naihayag sa pagpaparusa sa tao, ang tao ay mawawalang saysay at magsisisi na sana ay sinunod niya ang Diyos, ngunit hindi siya lumakad sa daan Niya. Noong panahon na iyon, nagdusa siya nang kaunti sa pagsunod sa Diyos ngunit hindi siya lumakad sa daan ng Diyos. Ano ang iyong maidadahilan? Wala ng ibang paraan kundi parusahan! Ngunit siya ay nag-iisip, “Hindi bale, sinunod ko naman Siya hanggang sa huli, kaya kahit na parusahan Mo ako, hindi ito matinding kaparusahan at pagkatapos nito ay nanaisin Mo pa rin ako. Alam kong makatuwiran Ka, at hindi Mo ako pakikitunguhan ng gayon magpakailanman. Sapagkat hindi ako katulad niyaong mga papawiin; yaong mga papawiin ay makatatanggap ng matinding kaparusahan, ngunit ang sa akin ay magaan lamang.”Ang makatuwirang kalooban ng Diyos ay hindi gayon. Hindi ito ang kaso niyaong mga mabubuti at umaamin ng mga pagkakamali na pinapakitunguhan nang magaan. Ang katuwiran ay kabanalan, at ito ay isang kalooban na pagkakasala ng tao, at lahat ng marumi at hindi nagbago ay ang tampulan ng poot ng Diyos. Ang makatuwirang kalooban ng Diyos ay hindi isang batas, kundi isang atas ng pamahalaan: ang atas ng pamahalaan sa kaharian na ito ay mayroong makatuwirang kaparusahan sa sinumang hindi nagtataguyod ng katotohanan at hindi nagbabago, at wala itong puwang sa kaligtasan. Sapagkat noong ang tao ay pinaghiwa-hiwalay ayon sa uri nito, ang mga mabuti ay pagpapalain ngunit yaong mga masasama ay paparusahan. Yaon ang panahong malalaman ang kahihinatnan ng tao, panahon iyon sa pagtatapos ng mga gawa nang pagliligtas, ang gawain hinggil sa pagliligtas sa tao ay natapos na, at ang paghihiganti ay daranasin ng lahat ng mga gumawi nang may kasamaan. Ang ilan ay magsasabi, “Naaalala ng Diyos ang lahat ng mga palaging nasa tabi Niya. Isa ako sa mga gayong kapatid na lalaki at babae, at hindi maaaring kalimutan ng Diyos ang sinuman sa atin. Tayo ay binigyang-katiyakan na gagawing sakdal ng Diyos. Hindi Niya aalalahanin ang mga nasa ibaba natin, sila yaong mga hindi gaanong binigyang-katiyakan di-tulad ng sa atin, na madalas lumalapit sa Diyos; sa gitna natin ay walang kinalimutan ang Diyos, lahat tayo ay sinang-ayunan Niya at binigyang-katiyakan na gagawing sakdal.” Lahat ng iyan ay ang iyong pananaw; makatuwiran ba ito? Isinagawa mo ba ng katotohanan o hindi? Sa katunayan nga ay nagkalat ka ng mga bulung-bulungan hinggil dito – hindi ka na nahiya!

   Ngayon, ang ilan ay nananatiling nagpapagamit sa Diyos ngunit pagkatapos nilang malupig hindi na sila muling nagpagamit. Tungkol sa mga bagay na sinasabi ngayon, kung ginagamit ng Diyos ang mga tao ngunit hindi mo pa rin ito natatamo, kung gayon ikaw ay hindi pa ginawang sakdal. Sa madaling salita, ang pagdating nang katapusan sa pagpapasakdal sa tao ay magsisiyasat kung siya ba ay mapupuksa o gagamitin ng Diyos. Yaong mga nalupig ay mga halimbawa ng pagpapasawalang-kibo at pagiging negatibo; sila ay mga uliran at halimbawa, ngunit wala nang hihigit pa mula roon. Tanging kung natamo lang ng tao ang buhay, ang kaniyang kalooban ay magbabago at makakamit niya nang buong-buo ang pagbabago ng kaniyang panlabas at saloobin. Ngayon, ano ang pipiliin mo, ang magpalupig o maging sakdal? Ano ang nais mong makamit? Ilang mga kuwalipikasyon sa pagiging sakdal ang iyong nagawa? Alin ang mga hindi mo nagawa? Paano mo pupunan ang iyong sarili at aayusin ang iyong mga pagkukulang? Paano ka makapapasok sa daan ng kasakdalan? Paano ka magpapasakop? Nais mong maging sakdal, kaya itinataguyod mo ba ang kabanalan? Itinataguyod mo ba ang kaparusahan at kahatulan upang matanggap ang pag-iingat ng Diyos? Itinataguyod mo ang kalinisan, kaya handa ka bang tanggapin ang kaparusahan at paghahatol? Ninais mong makilala ang Diyos, ngunit mayroon ka bang kaalaman tungkol sa Kaniyang pagpaparusa at paghahatol? Ngayon, karamihan nang Aking mga ginagawa sa iyo ay kaparusahan at paghatol; ano ang iyong kaalaman sa gawaing ito na ipararating sa iyo? Ang mga naranasan mo bang kaparusahan at paghatol ay dinalisay ka? Binago ka ba nito? Mayroon ba itong ibinunga sa iyo? Sawa ka na ba sa mga gawain ngayon – mga sumpa, paghahatol, at pagsisiwalat – o dama mo bang may higit kang kapakinabangan mula rito? Iniibig mo ang Diyos, pero sa anong dahilan mo Siya iniibig? Iniibig mo ba Siya dahil sa mga tinanggap na kakaunting biyaya o iniibig mo ang Diyos pagkatapos makatanggap ng kapayapaan at kaligayahan? O iniibig mo ang Diyos pagkatapos madalisay ng Kaniyang pagpaparusa at paghahatol? Ano nga ba ang iyong dahilan para ibigin ang Diyos? Ano nga ba ang mga ginawa ni Pedro upang maging sakdal? Pagkatapos niyang maging sakdal, sa paanong mahalagang paraan ito isiniwalat? Inibig ba niya ang Panginoong Hesus dahil hinahanap Siya, o dahil sa hindi Siya nakikita, o dahil sa siya ay sinisi? O inibig ba niya ang Panginoong Hesus nang higit pa dahil tinanggap ang pagdurusa dala ng kapighatian at napagtanto ang sarili niyang karumihan at pagkamasuwayin at nakita ang kabanalan ng Diyos? Naging higit bang dalisay ang kaniyang pag-ibig sa Diyos dahil sa pagpaparusa at paghahatol ng Diyos o mayroong ibang dahilan? Ano iyon? Iniibig mo ang Diyos dahil sa Kaniyang kagandahang-loob at dahil ngayon ay pinaglaanan ka Niya ng kaunting mga pagpapala. Ito ba ay tunay na pag-ibig? Paano mo nga ba dapat ibigin ang Diyos? Dapat mo bang tanggapin ang Kaniyang pagpaparusa at paghahatol, at pagkatapos mamasdan ang Kaniyang matuwid na kalooban, ibigin Siya ng tunay, upang ikaw ay talagang maging sigurado at magkaroon ng kaalaman sa Kaniya? Tulad ni Pedro, masasabi bang iniibig mo ang Diyos nang sapat? Ang iyong bang ninanais ay malupig pagkatapos ng pagpaparusa at paghuhukom o madalisay, maingatan, at makalinga bago ang pagpaparusa at paghuhukom? Alin sa mga ito ang iyong ninanais? Makabuluhan ba ang iyong buhay o ito ay walang saysay at walang silbi? Ang gusto mo ba ay ang makalaman o ang katotohanan? Ang hinihiling mo ba ay kahatulan o kaginhawahan? Naranasan mo ang mga gawain ng Diyos at nakita ang Kaniyang kabanalan at katuwiran, paano ka tutugon? Paano ka lalakad sa Kaniyang daan? Paano mo ipapakita ang iyong pag-ibig sa Diyos? Ang pagpaparusa at paghahatol ba ng Diyos ay mayroong epekto sa iyo? Ikaw man ay may kaalaman sa pagpaparusa at paghahatol ng Diyos, ito ay nakasalalay sa iyong pagkilos at kung hanggang saan kalalim ang iyong pag-ibig sa Diyos! Sinasabi mong iniibig mo ang Diyos, ngunit ang iyong isinasabuhay ay ang nakaraan at wasak na kalooban; wala kang pagkatakot sa Diyos, at lalong higit na wala kang budhi. Iniibig ba ng Diyos ang gayong mga tao? Ang gayong mga tao ba ay matapat sa Diyos? Sila ba yaong mga tumatanggap sa pagpaparusa at paghuhukom ng Diyos? Sinasabi mong iniibig mo ang Diyos at naniniwala ka sa Kaniya, ngunit hindi mo itinatakwil ang iyong mga haka-haka. Sa iyong gawain, pagpasok, mga sinasambit, at sa iyong buhay, walang patunay na iniibig mo ang Diyos at nagpapasakop ka sa Kaniya. Siya ba yaong nakatamo ng pagpaparusa at paghahatol ng Diyos? Katulad ba niya si Pedro? Ang mga gayon bang tao ay katulad ni Pedro sa kaalaman ngunit hindi ito isinasabuhay? Ngayon, ano ang mga paraan kung paano mabubuhay ang tao sa tunay na buhay? Ang mga panalangin ba ni Pedro ay gayon na lang ba at mga salitang walang halaga? Hindi ba’t ito ay mga salitang galing sa kaniyang puso? Si Pedro ba ay ganoon lang nanalangin at hindi isinagawa ang katotohanan? Para kanino ang iyong pagpapagal? Paano mo maiingatan at madadalisay ang iyong sarili sa pagpaparusa at paghuhukom ng Diyos? Kapaki-pakinabang ba sa tao ang pagpaparusa at paghahatol ng Diyos? Ang lahat ba ng paghuhukom ay kaparusahan? Tanging ang kapayapaan at kagalakan ba, mga materyal na bagay at panandaliang kaginhawahan, ay ang mga bagay lang na kapaki-pakinabang sa tao? Kung ang tao ay nabubuhay sa kaaya-aya at maginhawang kapaligiran, isang buhay na walang paghuhukom, madadalisay ba siya? Kung nais ng tao na siya ay mabago at madalisay, paano siya magiging sakdal? Ano ang daang dapat mong lakaran ngayon?

Talababa:

a. Ang orihinal na salita ay sinaling "ito."

Rekomendasyon: Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?




Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento