Kidlat ng SilangananAng - Umiiral ba ang Trinidad?
Pagkatapos lamang na nagkatotoo na si Jesus ay nagiging katawang-tao saka napagtanto ito ng tao: Hindi lamang ang Ama sa langit, kundi ang Anak din, at maging ang Espiritu.
Ito ang karaniwang paniwala ng tao, na mayroong ganitong Diyos sa langit: isang Trinidad na yaon ay ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu, lahat nasa isa. Ang lahat ng sangkatauhan ay may ganitong mga paniwala: Ang Diyos ay isang Diyos, nguni’t binubuo ng tatlong mga bahagi, na ipinalalagay ng lahat niyaong mga matinding nataniman ng kalakarang mga paniwala na ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu. Ang tatlong mga bahaging yaon lamang na pinag-isa ang kabuuan ng Diyos. Kung wala ang Banal na Ama, ang Diyos ay hindi magiging buo. Sa kaparehong kalagayan, hindi rin magiging buo ang Diyos kung wala ang Anak o ang Banal na Espiritu. Sa kanilang mga paniwala, naniniwala sila na alinman sa ang Ama lamang o ang Anak lamang ay hindi naipapalagay na Diyos. Ang magkakasama lamang na Ama, Anak, at Banal na Espiritu ang naipapalagay na Diyos Mismo. Ngayon, lahat ng mga relihiyosong mananampalataya, kasama ang bawa’t isang tagasunod sa gitna ninyo, ay nakahawak sa paniniwalang ito. Nguni’t, hinggil sa kung ang paniniwalang ito ay tama, walang nakakapagpaliwanag, sapagka’t palagi naman kayong diskumpiyado sa mga bagay na patungkol sa Diyos Mismo. Bagama’t ang mga ito ay mga paniwala, hindi ninyo alam kung ang mga ito ay tama o mali, sapagka’t kayo’y lubhang nahawahan na ng mga relihiyosong paniwala. Natatanggap na ninyo nang husto ang ganitong mga kalakarang relihiyosong paniwala, at ang lasong ito ay nasipsip na nang husto sa loob ninyo. Samakatuwid, gayundin sa bagay na ito ay napasadlak na kayo sa ganitong nakapipinsalang impluwensiya, sapagka’t ang Trinidad ay hindi umiiral. Iyon ay, ang Trinidad ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu ay hindi umiiral. Lahat ng mga ito ay mga kalakarang paniwala ng tao, at mga nakalilinlang na mga paniniwala ng tao. Sa loob ng maraming mga siglo, naniniwala ang tao sa Trinidad na ito, na bunga ng mga paniwala sa isip ng tao, gawa-gawa ng tao, at hindi pa kailanman nakita ng tao. Sa loob nitong maraming mga taon, marami nang mga tanyag na teologo ang nakakapagpaliwanag sa “totoong kahulugan” ng Trinidad, nguni’t ang mga gayong paliwanag tungkol sa Trinidad bilang tatlong magkakaiba at magkaka-ugnay na mga persona ay nagiging malabo at hindi malinaw, at ang lahat ay nalito sa “kaanyuan” ng Diyos. Walang dakilang tao ang kailanman ay nakapag-alok ng isang masusing paliwanag; karamihan sa mga paliwanag ay pasado sa larangan ng pangangatwiran at sa kasulatan, nguni’t walang sinumang tao ang may ganap na malinaw na pagkaunawa sa kahulugan nito. Ito ay sapagka’t itong dakilang Trinidad na pinanghahawakan ng tao sa puso ay hindi talaga umiiral. Sapagka’t wala pang nakakita kahit kailan sa totooong mukha ng Diyos o ang sinuman ay nagiging mapalad na umakyat sa tahanan ng Diyos upang bumisita nang sa gayon ay magsuri kung anong mga bagay ang makikita sa kinaroroonan ng Diyos, upang eksaktong malaman kung ilang sampu-sampung libo o daan-daang milyon ng mga henerasyon ang nasa “tahanan ng Diyos” o upang mag-imbestiga kung ilang mga bahagi ang bumubuo sa likas na kaanyuan ng Diyos. Ang pangunahing dapat masuri ay: ang gulang ng Ama at ng Anak, gayundin ng Banal na Espiritu; ang kanya-kanyang itsura ng bawa’t persona; at paano talagang nangyari na Sila ay magkakahiwalay, at paano nangyaring ginawa Silang isa. Sa kasawiang-palad, sa dinami-dami ng mga taon na ito, wala ni isa mang tao ang nakaaalam sa katotohanan ng mga bagay na ito. Ang lahat ng ito ay haka-haka lamang, sapagka’t wala ni isa mang tao ang nakakaakyat sa langit para bumisita at bumalik dala ang isang “masusing pag-uulat” para sa lahat ng sangkatauhan upang iulat ang katotohanan nito sa lahat ng masigasig at debotong relihiyosong mananampalataya na may kinalaman sa Trinidad. Sabihin pa, ang sisi ay hindi dapat ibunton sa tao sa pagbubuo niya ng gayong mga paniwala, sapagka’t bakit hindi isinama ng Amang si Jehova ang Anak na si Jesus nang nilikha Niya ang sangkatauhan? Kung, sa pasimula, ang lahat ay natapos sa pangalan ni Jehova, mas naging maigi pa sana ito. Kung kailangan mang manisi, hayaang ilagay ito sa panandaliang pagkalimot ng Diyos na Jehova, na hindi tinawag ang Anak at ang Banal na Espiritu sa harap Niya sa panahon ng paglikha, bagkus ay isinakatuparan ang Kanyang gawain nang mag-isa. Kung Sila ay gumawa lamang nang sabay-sabay, kung gayon ay hindi ba Sila magiging isa? Kung, mula sa kasimu-simulaan hanggang sa katapusan, mayroon lamang pangalang Jehova at hindi ang pangalan ni Jesus mula sa Kapanahunan ng Biyaya, o kung Siya noon ay tinawag pa ring Jehova, kung gayon ay hindi ba hindi na sana dinaranas ng Diyos ang pagdurusang dulot nitong paghahati ng sangkatauhan? Sa katiyakan, hindi maaaring daingan si Jehova sa lahat ng ito; kung dapat mang manisi, hayaang sisihin ang Banal na Espiritu, na sa loob ng libu-libong taon ay nagpatuloy ng Kanyang gawain sa pangalang Jehova, ni Jesus, at maging ng Banal na Espiritu, ginugulo at nililito ang tao sa gayon ay hindi malaman ng tao kung sino talaga ang Diyos. Kung ang Banal na Espiritu Mismo ay nakágáwâ nang walang anyo o larawan, at higit pa rito, walang pangalan kagaya ng kay Jesus, at hindi Siya makita o mahawakan ng tao, naririnig lamang ang mga tunog ng kulog, kung gayon hindi ba magiging mas kapaki-pakinabang ang ganitong uri ng gawain sa sangkatauhan? Kaya ano ang maaaring gawin ngayon? Ang mga paniwala ng tao ay natitipong sing-taas ng bundok at sing-lawak ng dagat, hanggang sa hindi na natitiis ng Diyos ng kasalukuyan ang mga iyon at ganap na nasa kawalan. Sa unang panahon nang si Jehova pa lamang, si Jesus, at ang Banal na Espiritu sa pag-itan ng dalawa, nawawala na ang tao kung paano niya kakayanin, at ngayon mayroong pagdaragdag ng Makapangyarihan, na ito man ay sinasabi ring isang bahagi ng Diyos. Sino ang nakakaalam kung sino Siya at sa kaninong persona ng Trinidad Siya nakikihalo o nakatago sa gaano mang karaming taon? Paano ito natitiis ng tao? Ang Trinidad pa lamang ay sapat na upang gugulin ng tao ang habambuhay para ipaliwanag, nguni’t ngayon ay mayroong “isang Diyos sa apat na mga persona.” Paano ito naipapaliwanag? Naipapaliwanag mo ba ito? Mga kapatid! Papaano ninyong napapaniwalaan ang gayong Diyos hanggang sa araw na ito? Saludo Ako sa inyo. Ang Trinidad ay sapat na upang tiisin, at datapuwa’t ngayon nagpapatuloy kayo sa pagkakaroon ng gayong di-natitinag na pananampalataya rito sa iisang Diyos sa apat na persona. Kayo ay hinihimok na lumabas, nguni’t kayo ay tumatanggi. Hindi kapani-paniwala! Kakaiba talaga kayo! Ang tao ay nakakarating hanggang sa paniniwala sa apat na Diyos at walang gagawin ukol dito; hindi ba ninyo iniisip na ito ay milagro? Hindi ko masabi na kayo ay nakakagawa ng gayong kalaking milagro! Para sabihin Ko sa inyo, sa katotohanan, ang Trinidad ay hindi umiiral kahit saanman dito sa sansinukob. Ang Diyos ay walang Ama at walang Anak, lalong wala itong konsepto ng kasangkapan na parehong ginagamit ng Ama at ng Anak: ang Banal na Espiritu. Ang lahat ng ito ay ang pinakamalaking kamalian at hindi man lamang umiiral sa mundong ito! Nguni’t maging ang gayong kamalian ay may pinagmulan at hindi ganap na walang basehan, sapagka’t ang inyong mga isipan ay hindi napakapayak, at ang inyong mga kaisipan ay hindi walang katuwiran. Sa halip, ang mga iyon ay masyadong angkop at malikhain, kaya nga hindi ang mga iyon napapasok kahit ng sinumang Satanas. Kaya lamang ay ang mga kaisipang ito ay pawang mga kamalian at hindi man lamang umiiral! Hindi pa man lamang ninyo nakikita ang tunay na katotohanan; kayo ay gumagawa lamang ng mga haka-haka at mga pagkaintindi, pagkatapos ay hinahabi ninyo ang lahat sa isang kuwento upang makuha nang may pandaraya ang tiwala ng iba at upang pangibabawan yaong mga pinakahangal na mga tao na walang talino o katuwiran, nang sa gayon ay maniwala sila sa inyong kahanga-hanga at kilalang “dalubhasang mga pagtuturo.” Ito ba ay katotohanan? Ito ba ang paraan ng pamumuhay na dapat tanggapin ng tao? Ang lahat ng ito ay walang-katuturan! Wala ni isang salita ang angkop! Sa loob nitong napakaraming mga taon, ang Diyos ay pinagbaha-bahagi ninyo sa ganitong paraan, papino nang papino ang pagbabahagi sa bawa’t henerasyon, hanggang sa ang isang Diyos ay lantarang pinagbaha-bahagi sa tatlong Diyos. At ngayon ay imposible na para sa tao na pagdugtung-dugtungin ang Diyos bilang isa, sapagka’t napagbaha-bahagi na ninyo Siya nang pinung-pino! Kung hindi sa Aking mabilis na paggawa bago mahuli ang lahat, mahirap sabihin kung gaano katagal kayong mananatiling garapal sa ganitong paraan! Sa patuloy ninyong pagbabaha-bahagi ng Diyos sa ganitong paraan, paano pa Siyang nagiging inyong Diyos? Makikilala pa rin ba ninyo ang Diyos? Babalik pa rin ba kayo sa Kanya? Kung nahuli pa nang kaunti ang Aking pagdating, malamang ay ipinadala na ninyo ang “Ama at Anak,” si Jehova at si Jesus pabalik sa Israel at inari ang inyong mismong mga sarili na bahagi ng Diyos. Sa kabutihang-palad, ngayon ay ang mga huling araw. Sa wakas, ang araw na ito na matagal Ko nang hinihintay ay dumarating na, at pagkatapos lamang na Aking naisakatuparan itong yugto ng gawain sa pamamagitan ng Aking sariling kamay na ang inyong pagbabaha-bahagi sa Diyos Mismo ay napatigil. Kung hindi dahil dito, maaaring kayo ay namayagpag na, baka ipinapatong na ang lahat ng mga Satanas sa gitna ninyo sa mga dambana upang sambahin. Ito ay inyong pakana! Ang inyong pamamaraan ng pagbabaha-bahagi sa Diyos! Magpapatuloy pa rin ba kayo ngayon? Hayaan ninyong tanungin Ko kayo: Ilan ba ang Diyos? Aling Diyos ang magdadala sa inyo ng kaligtasan? Ito ba ang unang Diyos, ang ikalawa, o ang ikatlo na palagi ninyong dinadalanginan? Alin sa Kanila ang palagi ninyong pinaniniwalaan? Ito ba ang Ama? O ang Anak? O ito ba ang Espiritu? Sabihin mo sa Akin kung sino itong iyong pinaniniwalaan. Bagama’t sa bawa’t salita iyong sinasabi na naniniwala ka sa Diyos, ang inyong totoong pinananiniwalaan ay ang inyong sariling utak! Wala talaga kayong Diyos sa inyong puso! At gayunman sa inyong mga isip ay ilan ang gayong mga “Trinidad”! Hindi ba kayo sumasang-ayon?
Kung ang tatlong yugto ng gawain ay sinusuri alinsunod sa konseptong ito ng Trinidad, kung gayon dapat ay mayroong tatlong Diyos yamang ang gawaing isinasagawa ng bawa’t isa ay hindi magkakatulad. Kung sinuman sa gitna ninyo ang nagsasabi na talagang umiiral ang Trinidad, kung gayon ay magpaliwanag kung ano ba talaga itong isang Diyos sa tatlong persona. Ano ang Banal na Ama? Ano ang Anak? Ano ang Banal na Espiritu? Si Jehova ba ang Banal na Ama? Si Jesus ba ang Anak? At ano naman ang Banal na Espiritu? Hindi ba ang Ama ay isang Espiritu? Hindi ba ang sangkap ng Anak ay isa ring Espiritu? Hindi ba ang gawain ni Jesus ay gawain ng Banal na Espiritu? Hindi ba ang gawain ni Jehova sa panahong iyon ay isinakatuparan ng Espiritu kagaya ng kay Jesus? Ilang Espiritu ba maaaring mayroon ng Diyos? Ayon sa iyong paliwanag, ang tatlong persona ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu ay iisa; kung gayon, mayroong tatlong mga Espiritu, nguni’t ang pagkakaroon ng tatlong mga Espiritu ay nangangahulugan na mayroong tatlong Diyos. Ito ay nangangahulugan na walang isang tunay na Diyos; papaanong ang ganitong uri ng Diyos ay nagtataglay pa rin ng likas na sangkap ng Diyos? Kung tinatanggap mo na may isang Diyos lamang, kung gayon ay paano Siya nagkakaroon ng isang anak at nagiging isang ama? Hindi ba’t mga paniwala mo lamang ang lahat ng mga ito? May isang Diyos lamang, isang persona lamang sa Diyos na ito, at isang Espiritu ng Diyos lamang, yamang ito ay nakasulat sa Biblia na “Mayroon lamang isang Banal na Espiritu at isang Diyos lamang.” Hindi alintana kung ang Ama at ang Anak man na iyong sinasabi ay umiiral, matapos ang lahat ay may isang Diyos lamang, at ang sangkap ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu na inyong pinaniniwalaan ay ang sangkap ng Banal na Espiritu. Sa ibang salita, Ang Diyos ay Espiritu, nguni’t may kakayahan Siyang maging katawang-tao at mamuhay sa gitna ng mga tao, gayundin ay mangibabaw sa lahat ng mga bagay. Ang kanyang Espiritu ay sumasa-lahat at nasa lahat ng dako. Kaya Niyang sabay-sabay na mapasa-katawang-tao at mapasa-lahat ng dako ng sansinukob. Yamang ang lahat ng tao ay nagsasabing ang Diyos ay ang isa lamang tunay na Diyos, kung gayon ay mayroong nag-iisang Diyos lamang, na hindi kayang hati-hatiin ninuman ayon sa kagustuhan! Ang Diyos ay isang Espiritu lamang, at isang persona lamang; at iyon ay ang Espiritu ng Diyos. Kung ito ay kagaya ng iyong sinasabi, ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu, kung gayon hindi ba Sila tatlong mga Diyos? Ang Banal na Espiritu ay isang paksa, ang Anak ay iba pa, at ang Ama ay isa pa rin. Sila’y magkakaibang mga persona na may magkakaibang mga sangkap, kaya paanong ang bawa’t isa sa Kanila ay magiging bahagi ng nag-iisang Diyos? Ang Banal na Espiritu ay isang Espiritu; ito ay madali lamang maintindihan ng tao. Kung ganoon nga, kung gayon ang Ama ay lalong higit pa na isang Espiritu. Hindi Siya kailanman nakakababa sa lupa at hindi kailanman nagiging katawang-tao; Siya ang Diyos na si Jehova sa puso ng tao, at tiyak na Siya ay isa ring Espiritu. Kung gayon ano ang relasyon sa pag-itan Niya at ng Banal na Espiritu? Ito ba ang relasyon sa pag-itan ng Ama at ng Anak? O ito ba ang relasyon sa pag-itan ng Banal na Espiritu at ng Espiritu ng Ama? Ang sangkap ba ng bawa’t Espiritu ay magkapareho? O ang Banal na Espiritu ay isang kasangkapan ng Ama? Paano ito naipapaliwanag? At ano naman ang relasyon sa pag-itan ng Anak at ng Banal na Espiritu? Ito ba ay relasyon sa pag-itan ng dalawang Espiritu o relasyon sa pag-itan ng isang tao at ng isang Espiritu? Ito ang mga bagay na hindi nagkakaroon ng paliwanag! Kung Silang lahat ay isang Espiritu, kung gayon ay hindi nagkakaroon ng usapin tungkol sa tatlong persona, sapagka’t taglay Nila ang iisang Espiritu. Kung magkakaiba Silang mga persona, kung gayon ang Kanilang mga Espiritu ay magkakaiba ng lakas, at tunay na hindi Sila maaaring maging isang Espiritu. Ang konseptong ito ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu ay pinaka-katawa-tawa! Pinagpipira-piraso nito ang Diyos at pinagbabaha-bahagi Siya tungo sa tatlong persona, bawa’t isa ay may katayuan at Espiritu; paano kung gayon Siya nagiging isang Espiritu at isang Diyos pa rin? Sabihin ninyo sa Akin, ang mga kalangitan at lupa, at ang lahat ng mga bagay na nakapaloob dito ay nilikha ba ng Ama, ng Anak, o ng Banal na Espiritu? Sinasabi ng ilan na nilikha Nila ito nang magkakasama. Kung gayon sino ang tumubos sa sangkatauhan? Ito ba ay ang Banal na Espiritu, ang Anak, o ang Ama? Sinasabi ng ilan na ang Anak ang tumubos sa sangkatauhan. Kung gayon ay sino ang Anak sa substansya? Hindi ba Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos? Tinatawag ng nagkatawang-tao ang Diyos sa langit sa pangalang Ama mula sa pananaw ng isang taong nilikha. Hindi mo ba alam na si Jesus ay ipinanganak mula sa paglilihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu? Sa loob Niya ay ang Banal na Espiritu; anuman ang iyong sabihin, Siya ay kaisa ng Diyos sa langit, sapagka’t Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos. Ang ideyang ito tungkol sa Anak ay tunay na hindi totoo. Ito ay isang Espiritu na nagsasakatuparan ng lahat ng gawain; tanging ang Diyos Mismo, iyon ay, ang Espiritu ng Diyos ang nagsasakatuparan ng Kanyang gawain. Sino ang Espiritu ng Diyos? Hindi ba ito ang Banal na Espiritu? Hindi ba ang Banal na Espiritu ang gumagawa kay Jesus? Kung ang gawain ay hindi naisakatuparan ng Banal na Espiritu (iyon ay, ang Espiritu ng Diyos), kung gayon kinatawan ba ng Kanyang gawain ang Diyos Mismo? Nang tinawag ni Jesus sa pangalang Ama ang Diyos sa langit habang Siya ay nananalangin, ito ay ginawa lamang mula sa pananaw ng isang taong nilikha, dahil lamang sa dinamitan ng Espiritu ng Diyos ang Kanyang Sarili bilang isang karaniwan at normal na tao at nagkaroon ng panlabas na panakip ng isang nilikhang pagkatao. Kahit na ang nasa loob Niya ay ang Espiritu ng Diyos, ang Kanyang panlabas na anyo ay nanatili pa ring yaong sa karaniwang tao; sa ibang salita, Siya ay naging ang “Anak ng tao” na sinabi ng lahat ng tao, kabilang si Jesus Mismo. Sabihin nang Siya ay tinawag na Anak ng tao, Siya ay tao (maging lalaki man o babae, sa alin mang kaso ay isa na may panlabas na pabalat ng isang tao) ipinanganak sa isang normal na sambahayan ng mga karaniwang tao. Samakatuwid, ang pagtawag ni Jesus sa Diyos sa langit sa pangalang Ama ay katulad lamang ng kung paano ninyo Siya tinawag na Ama noong una; ginawa Niya ang ganoon mula sa pananaw ng isang taong nilikha. Natatandaan pa ba ninyo ang Panalangin ng Panginoon na itinuro ni Jesus sa inyo na kabisaduhin? “Ama namin na nasa langit….” Sinabi Niya sa lahat ng tao na tawagin ang Diyos sa langit sa pangalang Ama. At yamang tinawag Niya rin Siyang Ama, Kanyang ginawa ang ganoon mula sa pananaw ng isang nasa katayuan na kagaya ng sa inyong lahat. Yamang tinawag ninyo ang Diyos sa langit sa pangalang Ama, ipinakikita nito na nakita ni Jesus ang Kanyang Sarili na kapantay ninyo, at bilang isang tao sa lupa na pinili ng Diyos (iyon ay, ang Anak ng Diyos). Kung tinatawag ninyo ang Diyos na “Ama,” hindi ba ito ay dahil sa kayo ay taong nilikha? Gaano man kadakila ang awtoridad ni Jesus sa lupa, bago ang pagkakapako sa krus, Siya ay Anak lamang ng tao, pinamamahalaan ng Banal na Espiritu (iyon ay, ng Diyos), at isa sa mga nilikhang tao sa lupa, sapagka’t hindi pa Niya nakukumpleto ang Kanyang gawain. Samakatuwid, ang pagtawag Niya ng Ama sa Diyos sa langit ay tanging Kanyang kababaang-loob at pagkamasunurin. Ang Kanyang pagtawag sa Diyos (iyon ay, ang Espiritu sa langit) sa gayong paraan, gayunman, ay hindi nagpapatunay na Siya ay ang Anak ng Espiritu ng Diyos sa langit. Sa halip, ito lamang ay dahil iba ang Kanyang pananaw, hindi dahil sa Siya ay ibang persona. Ang pag-iral ng magkakaibang mga persona ay isang kamalian! Bago ang Kanyang pagkakapako sa krus, si Jesus ay isang anak ng tao na nakatali sa mga limitasyon ng laman, at hindi Niya lubos na taglay ang awtoridad ng Espiritu. Iyan ang dahilan kaya mahahanap lamang Niya ang kalooban ng Diyos Ama mula sa pananaw ng isang nilikhang tao. Ito ay kagaya lamang nang tatlong beses Siyang nanalangin sa Getsemani: “Huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo.” Bago pa Siya naitakda sa krus, Siya ang Hari ng mga Judio; Siya ay si Cristo, ang Anak ng tao, at hindi katawan ng kaluwalhatian. Kung kaya, mula sa pananaw ng isang taong nilikha, tinawag Niya ang Diyos na Ama. Ngayon, hindi mo maaaring sabihin na ang lahat ng tumatawag sa Diyos na Ama ay ang Anak. Kung ganoon nga ito, hindi ba lahat kayo ay magiging ang Anak sa sandaling ituro sa inyo ni Jesus ang Panalangin ng Panginoon? Kung hindi pa rin kayo kumbinsido, kung gayon sabihin sa Akin, sino ang tinatawag ninyong Ama? Kung ang tinutukoy ninyo ay si Jesus, kung gayon sino ang Ama ni Jesus sa inyo? Pagkatapos umalis ni Jesus, ang ideyang ito ng Ama at ng Anak ay wala na. Ang ideyang ito ay angkop lamang sa mga taon nang si Jesus ay naging katawang-tao; sa ilalim ng lahat ng iba pang mga pangyayari, ang relasyon ay yaong sa pag-itan ng Panginoon ng paglikha at isang nilikhang tao kapag tinatawag ninyo ang Diyos na Ama. Walang pagkakataon na kung saan ang ideya ng Trinidad ng Ama, Anak, at Banal na Espiritu ay nakakatayô; ito ay isang maling aral na bihirang makita sa hinaba-haba ng mga kapanahunan at hindi umiiral!
Maaaring maalaala ng karamihan ng mga tao ang mga salita ng Diyos mula sa Genesis: “Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis”. Ipagpalagay nang sinasabi ng Diyos na lalangin “natin” ang tao sa “ating” larawan, kung gayon ang “natin” ay nagpapahiwatig ng dalawa o higit pa; yamang sinabi Niyang “natin,” kung gayon hindi lamang iisa ang Diyos. Sa ganitong paraan, ang tao ay nagsimulang mag-isip nang pangkalahatan ukol sa magkakaibang mga persona, at mula sa mga salitang ito lumitaw ang ideya ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu. Ano kung gayon ang hitsura ng Ama? Ano ang hitsura ng Anak? At ano ang hitsura ng Banal na Espiritu? Maaari kaya na ang sangkatauhan ng kasalukuyan ay ginawa sa larawan ng isa na pinagsama-sama mula sa tatlo? Kung gayon ang larawan ba ng tao ay kagaya ng sa Ama, ng Anak, o ng Banal na Espiritu? Alin sa mga persona ng Diyos ang kalarawan ng tao? Ang ideyang ito ng tao ay totoong mali at walang-kabuluhan! Nahahati lamang nito ang isang Diyos sa maraming Diyos. Noong panahong sinulat ni Moises ang Genesis, ito ay pagkatapos nalikha ang sangkatauhan kasunod ng paglikha sa mundo. Noong kasimu-simulaan, nang nag-umpisa ang mundo, si Moises ay wala pa. At napakatagal pa bago sinulat ni Moises ang Biblia, kaya paano niya posibleng nalaman kung ano ang sinabi ng Diyos sa langit? Siya ay walang hiwatig sa kung paano nilikha ng Diyos ang mundo. Sa Lumang Tipan ng Biblia, walang pagbanggit tungkol sa Ama, sa Anak, at sa Banal na Espiritu, tanging sa isang tunay na Diyos lamang, si Jehova, na nagsasakatuparan ng Kanyang gawain sa Israel. Siya ay tinatawag sa iba’t-ibang pangalan sa pagbabago ng mga kapanahunan, nguni’t hindi nito napapatunayan na ang bawa’t pangalan ay tumutukoy sa ibang persona. Kung ito nga’y ganoon, kung gayon hindi ba magkakaroon ng di-mabilang na mga persona ng Diyos? Ang nakasulat sa Lumang Tipan ay ang gawain ni Jehova, isang yugto ng gawain ng Diyos Mismo para sa pagsisimula ng Kapanahunan ng Kautusan. Ito ay gawain ng Diyos, kung saan ayon sa Kanyang sinalita, ito’y nangyari, at ayon sa Kanyang iniutos, ito’y nanatili. Walang pagkakataon na sinabi ni Jehova na Siya ang Ama na dumarating upang isakatuparan ang gawain, o hinulaan man lamang Niya ang pagdating ng Anak upang tubusin ang sangkatauhan. Pagdating sa panahon ni Jesus, sinabi lamang na ang Diyos ay naging tao upang tubusin ang lahat ng sangkatauhan, hindi sa ang Anak ang nakarating. Sapagka’t ang mga kapanahunan ay hindi magkakatulad at ang gawain na ginagawa ng Diyos Mismo ay naiiba rin, kailangan Niyang isakatuparan ang Kanyang gawain sa loob ng iba’t-ibang mga kinasasaklawan. Sa ganitong paraan, ang pagkakakilanlan na Kanyang kinakatawan ay naiiba rin. Naniniwala ang tao na si Jehova ang Ama ni Jesus, nguni’t ito ay hindi totoong kinilala ni Jesus, na nagsabing: “Hindi kami kailanman kinilala bilang Ama at Anak; Ako at ang Ama sa langit ay iisa. Ang Ama ay nasa Akin at Ako ay nasa Ama; kapag nakikita ng tao ang Anak, nakikita nila ang Ama na nasa langit.” Kapag ang lahat ay nasasabi na, maging ito man ang Ama o ang Anak, Sila ay isang Espiritu, hindi nahahati sa magkahiwalay na mga persona. Sa sandaling nagtatangka ang tao na magpaliwanag, ang mga usapin ay pinagugulo ng ideya tungkol sa magkakaibang mga persona, gayundin ang relasyon sa pag-itan ng Ama, Anak, at Espiritu. Kapag ang tao ay nagsasalita tungkol sa magkakahiwalay na mga persona, hindi ba nito ginagawang materyal ang Diyos? Binibigyan pa ng ranggo ng tao ang mga persona bilang una, ikalawa, at ikatlo; lahat ng ito ay mga pagkaintindi lamang ng tao, hindi karapat-dapat na sangguniin, at lubos na hindi makatotohanan! Kung tatanungin mo siya: “Ilan ba ang Diyos?” sasabihin niya na ang Diyos ay ang Trinidad ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu: ang isang tunay na Diyos. Kung itinanong mo uli: “Sino ang Ama?” sasabihin niya: “Ang Ama ay ang Espiritu ng Diyos sa langit; Siya ang namumuno sa lahat, at Siya ang Panginoon ng langit.” “Kung gayon si Jehova ba ang Espiritu?” Sasabihin niya: “Oo!” Kung tinanong mo pa siya pagkatapos, “Sino ang Anak?” sasabihin niyang si Jesus ay ang Anak, mangyari pa. “Kung gayon ano ang kuwento ni Jesus? Mula kanino Siya nanggaling?” Sasabihin niya: “Si Jesus ay ipinanganak ni Maria sa pamamagitan ng paglilim ng Banal na Espiritu.” “Kung gayon ang Kanya bang sangkap ay hindi Espiritu rin naman? Hindi ba ang Kanyang gawain ay kumakatawan din sa Banal na Espiritu? Si Jehova ay ang Espiritu, at gayundin naman ang sangkap ni Jesus. Ngayon sa mga huling araw, hindi na kailangang sabihin na ang Espiritu pa rin ang gumagawa;[a] paano nangyaring magkaiba Silang mga persona? Hindi ba ito ay ang Espiritu ng Diyos na nagsasakatuparan lamang ng gawain ng Espiritu mula sa magkakaibang mga pananaw?” Sa gayon, walang pagkakaiba sa pag-itan ng mga persona. Si Jesus ay ipinaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, at walang alinlangan, ang Kanyang gawain ay tiyak na yaong sa Banal na Espiritu. Sa unang yugto ng gawain na isinakatuparan ni Jehova, hindi Siya naging tao ni nagpakita sa tao. Kaya hindi kailanman nakita ng tao ang Kanyang kaanyuan. Gaano man Siya kadakila at kataas noon, Siya pa rin ang Espiritu, ang Diyos Mismo na unang lumikha sa tao. Iyon ay, Siya ang Espiritu ng Diyos. Nang Siya ay nangusap sa tao mula sa gitna ng mga ulap, Siya ay isang Espiritu lamang. Walang nakasaksi sa Kanyang kaanyuan; sa Kapanahunan ng Biyaya nang ang Espiritu ng Diyos ay dumating tungo sa katawang-tao at nagkatawang-tao sa Judea saka lamang nakita ng tao sa unang pagkakataon ang larawan ng pagkakatawang-tao bilang isang Judio. Ang damdamin ni Jehova ay hindi nadarama. Gayunpaman, Siya ay ipinaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, iyon ay, ipinaglihi sa pamamagitan ng Espiritu ni Jehova Mismo, at si Jesus ay ipinanganak pa rin bilang mismong pagsasakatawan ng Espiritu ng Diyos. Ang unang nakita ng tao ay ang Banal na Espiritu na bumababa gaya ng isang kalapati kay Jesus; hindi ito ang Espiritung tanging kay Cristo, bagkus ang Banal na Espiritu. Kung gayon naihihiwalay ba ang Espiritu ni Jesus mula sa Banal na Espiritu? Kung si Jesus ay si Jesus, ang Anak, at ang Banal na Espiritu ay ang Banal na Espiritu, kung gayon paano Sila naging isa? Ang gawain ay hindi maisasakatuparan kung ganoon. Ang Espiritu sa loob ni Jesus, ang Espiritu sa langit, at ang Espiritu ni Jehova ay iisang lahat. Natatawag itong Banal na Espiritu, ang Espiritu ng Diyos, ang makapitong pinatinding Espiritu, at ang sumasa-lahat na Espiritu. Ang Espiritu ng Diyos ay kayang mag-isang magsakatuparan ng maraming gawain. Kaya Niyang likhain ang mundo at wasakin ito sa pamamagitan ng pagpapabaha sa lupa; kaya Niyang tubusin ang buong sangkatauhan, at higit pa rito, makakayang lupigin at wasakin ang buong sangkatauhan. Ang gawaing ito ay isinasakatuparang lahat ng Diyos Mismo at hindi makakayang gawin ng sinuman sa iba pang mga persona ng Diyos sa Kanyang lugar. Ang Kanyang Espiritu ay natatawag sa pangalang Jehova at Jesus, gayundin ang Makapangyarihan. Siya ang Panginoon, at Cristo. Siya rin ay nagiging Anak ng tao. Siya ay nasa kalangitan at nasa lupa rin; Siya ay nasa kaitaasan sa ibabaw ng mga sansinukob at nasa gitna ng karamihan. Siya ang tanging Panginoon ng langit at ng lupa! Mula sa panahon ng paglikha hanggang sa ngayon, ang gawaing ito ay naisasakatuparan ng Espiritu ng Diyos Mismo. Maging ito man ay gawain sa langit o sa katawang-tao, lahat ay isinasakatuparan ng Kanyang sariling Espiritu. Lahat ng mga nilalang, maging sa langit o sa lupa, ay nasa palad ng Kanyang makapangyarihang kamay; lahat ng ito ay gawain ng Diyos Mismo at hindi nagagawa ninuman sa Kanyang lugar. Sa mga kalangitan, Siya ang Espiritu subali’t ang Diyos Mismo rin; sa gitna ng mga tao, Siya ay katawang-tao nguni’t nananatiling Diyos Mismo. Bagama’t maaari Siyang tawagin sa daan-daang libong mga pangalan, Siya pa rin ay Siya Mismo, at ang buong gawain[b] ay ang tuwirang pagpapahayag ng Kanyang Espiritu. Ang pagtubos sa buong sangkatauhan sa pamamagitan ng pagkakapako Niya sa krus ay ang tuwirang gawain ng Kanyang Espiritu, at maging ang pagpapahayag sa lahat ng mga bansa at lahat ng mga lupain sa panahon ng mga huling araw. Sa lahat ng panahon, ang Diyos ay natatawag lamang na ang makapangyarihan at isang tunay na Diyos, ang sumasa-lahat na Diyos Mismo. Ang magkakaibang mga persona ay hindi umiiral, lalong hindi itong ideya ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu! Mayroon lamang isang Diyos sa langit at sa lupa!
Ang plano sa pamamahala ng Diyos ay may saklaw na anim na libong taon at nahahati sa tatlong mga kapanahunan batay sa mga pagkakaiba sa Kanyang gawain: Ang unang kapanahunan ay ang Kapanahunan ng Kautusan ng Lumang Tipan; ang ikalawa ay ang Kapanahunan ng Biyaya; at ang ikatlo ay ang kabilang sa mga huling araw—ang Kapanahunan ng Kaharian. Kinakatawan sa bawa’t kapanahunan ang isang naiibang pagkakakilanlan. Ito ay dahil lamang sa pagkakaiba sa gawain, iyon ay, ang mga kinakailangan ng gawain. Ang unang yugto ng gawain ay isinakatuparan sa Israel, at ang ikalawang yugto ng pagtatapos ng gawain ng pagtubos ay isinakatuparan sa Judea. Para sa gawain ng pagtubos, si Jesus ay ipinanganak mula sa paglilihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu bilang tanging Anak. Ang lahat ng ito ay dahil sa mga kinakailangan ng gawain. Sa mga huling araw, ninanais ng Diyos na palawakin ang Kanyang gawain tungo sa mga bansang Hentil at lupigin ang mga tao roon, upang maaaring maging dakila ang Kanyang pangalan sa gitna nila. Ninanais Niyang patnubayan ang tao sa pag-unawa sa lahat ng tamang pamamaraan ng buhay ng tao, gayundin sa lahat ng katotohanan at sa daan ng buhay. Ang lahat ng gawaing ito ay isinasakatuparan ng isang Espiritu. Bagama’t maaari Niyang gawin ang gayon mula sa magkakaibang mga pananaw, ang kalikasan at ang mga panuntunan ng gawain ay nananatiling pareho. Sa sandaling pinagmamasdan mo ang mga panuntunan at kalikasan ng gawain na Kanilang isinasakatuparan, malalaman mo naman na ang lahat ay sa pamamagitan ng kamay ng nag-iisang Espiritu. Maaari ding masabi ng iba: “Ang Ama ay ang Ama; ang Anak ay ang Anak; ang Banal na Espiritu ay ang Banal na Espiritu, at sa katapusan, Sila ay magagawang isa.” Kung gayon paano mo Sila gagawing isa? Paano nagagawang isa ang Ama at ang Banal na Espiritu? Kung Sila ay likas nang dalawa, kung gayon kahit paano man Sila pagsamahin, hindi ba Sila mananatiling dalawang bahagi? Kapag sinabi mong ginagawa Silang isa, hindi ba iyan ay pagsasama lamang ng dalawang magkahiwalay na bahagi upang gumawa ng isang buo? Nguni’t hindi ba sila ay dalawang bahagi bago ginawang buo? Ang bawa’t Espiritu ay may naiibang sangkap, at ang dalawang Espiritu ay hindi nagagawang iisa. Ang Espiritu ay hindi isang bagay na materyal at hindi katulad ng anumang iba pa sa materyal na mundo. Sa paningin ng mga tao, ang Ama ay isang Espiritu, ang Anak ay isa pa, at ang Banal na Espiritu ay iba pa rin, pagkatapos ang tatlong Espiritu ay naghahalo na parang tatlong baso ng tubig sa isang buo. Hindi ba iyan naman ang tatlo na ginawang isa? Ito ay isang maling pagpapaliwanag! Hindi ba ito pagbabaha-bahagi sa Diyos? Papaanong ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu ay nagagawang isa lahat? Hindi ba sila tatlong mga bahagi at bawat isa’y may magkakaibang mga kalikasan? Mayroon pa rin yaong mga nagsasabi, “Hindi ba malinaw na sinabi ng Diyos na si Jesus ay ang Kanyang sinisintang Anak?” “Si Jesus ang sinisintang Anak ng Diyos, na Kanyang lubos na kinalulugdan” ay tiyak na sinalita ng Diyos Mismo. Iyon ang Diyos na nagpapatotoo sa Sarili Niya mismo, nguni’t mula lamang sa ibang pananaw, yaong sa Espiritu sa langit na sumasaksi sa Kanyang sariling pagkakatawang-tao. Si Jesus ay ang Kanyang pagkakatawang-tao, hindi ang Kanyang Anak sa langit. Naiintindihan mo ba? Hindi ba ang mga salita ni Jesus, “Ang Ama ay nasa Akin at Ako ay nasa Ama,” ay nagpapahiwatig na Sila ay isang Espiritu? At hindi ba dahil sa pagkakatawang-tao kaya Sila ay nagkahiwalay sa pag-itan ng langit at lupa? Sa katotohanan, Sila ay iisa pa rin; kahit ano pa, ito ay ang Diyos lamang na sumasaksi sa Sarili Niya. Dahil sa pagbabago sa mga kapanahunan, sa mga kinakailangan ng gawain, at sa iba't-ibang mga yugto ng Kanyang plano sa pamamahala, ang pangalan na ginagamit ng tao na pantawag sa Kanya ay naiiba rin. Nang Siya ay dumating upang isakatuparan ang unang yugto ng gawain, Siya ay matatawag lamang na Jehova, ang pastol ng mga Israelita. Sa ikalawang yugto, ang nagkatawang-taong Diyos ay matatawag lamang na Panginoon, at Cristo. Nguni’t sa panahong iyon, ang Espiritu sa langit ay nagsabi lamang na Siya ang sinisintang Anak ng Diyos, at hindi binanggit ang Kanyang pagiging ang tanging Anak ng Diyos. Ito ay hindi talagang nangyari. Paano nagkaroon ng iisang anak lamang ang Diyos? Kung gayon ang Diyos ay hindi maaaring maging tao? Sapagka’t Siya ang pagkakatawang-tao, Siya ay tinawag na sinisintang Anak ng Diyos, at, mula rito, dumating ang relasyon sa pag-itan ng Ama at Anak. Ito ay dahil lamang sa paghihiwalay sa pag-itan ng langit at lupa. Nanalangin si Jesus mula sa pananaw ng katawang-tao. Yamang nagbihis Siya ng isang katawang-tao ng gayong normal na pagkatao, ito ay mula sa pananaw ng katawang-tao na Kanyang sinabi: “Ang aking balat ay yaong sa nilikhang tao. Yamang Ako ay nagbihis ng katawang-tao upang makarating dito sa lupa, Ako ngayon ay malayo, malayung-malayo mula sa langit.” Sa kadahilanang ito, makakapanalangin lamang Siya sa Diyos Ama mula sa pananaw ng katawang-tao. Ito ang Kanyang tungkulin, at ito ang dapat maipagkaloob sa nagkatawang-taong Espiritu ng Diyos. Hindi masasabi na hindi Siya Diyos dahil lamang sa nananalangin Siya sa Ama mula sa pananaw ng katawang-tao. Bagama’t tinatawag Siya na sinisintang Anak ng Diyos, Siya pa rin ay Diyos Mismo, sapagka’t Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu, at ang Kanyang sangkap ay ang Espiritu pa rin. Sa paningin ng tao, nagtataka sila kung bakit Siya nananalangin kung Siya ang Diyos Mismo. Ito ay dahil Siya ang Diyos na nagkatawang-tao, Diyos na nabubuhay sa loob ng katawang-tao, at hindi ang Espiritu sa langit. Sa paningin ng tao, ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu ay Diyos lahat. Ang tatlo lamang na ginawang isa lahat ang maaaring ituring na isang tunay na Diyos, at, sa ganitong paraan, ang Kanyang kapangyarihan ay bukod-tanging pinakadakila. May mga nagsasabi pa rin na sa ganitong paraan lamang Siya magiging makapitong beses na pinatinding Espiritu. Nang nanalangin ang Anak matapos ang Kanyang pagparito, iyon ay ang Espiritu na kung kanino Siya nanalangin. Sa katotohanan, Siya ay nananalangin mula sa pananaw ng isang nilikhang tao. Sapagka’t ang katawang-tao ay hindi buo, at hindi Siya buo at nagkaroon ng maraming mga kahinaan nang Siya ay pumaritong nasa katawang-tao. Kaya masyado Siyang naligalig habang isinasakatuparan Niya ang Kanyang gawain sa katawang-tao. Kaya nga tatlong beses Siyang nanalangin sa Diyos Ama bago ang Kanyang pagkakapako sa krus, at sa marami pang pagkakataon bago iyon. Nanalangin Siya kasama ng Kanyang mga disipulo; nanalangin Siyang mag-isa sa ibabaw ng isang bundok; nanalangin Siya sakay ng bangkang-pangisda; Siya ay nanalangin kasama ng napakaraming mga tao; nananalangin Siya kapag nagpuputol ng tinapay; at nananalangin Siya kapag binabasbasan ang iba. Bakit Niya ginawa ang gayon? Sa Espiritu Siya nanalangin; nananalangin Siya sa Espiritu, sa Diyos sa langit, mula sa pananaw ng katawang-tao. Samakatuwid, mula sa pananaw ng tao, si Jesus ay naging ang Anak sa yugtong iyon ng gawain. Sa yugtong ito, gayunman, hindi Siya nananalangin. Bakit nagkaganito? Sapagka’t ang dala-dala Niya ay ang gawain ng salita at ang paghatol at pagkastigo ng salita. Hindi Niya kailangan ang mga panalangin, dahil ang Kanyang ministeryo ay upang magsalita. Hindi Siya inilalagay sa ibabaw ng krus, at hindi Siya ibinibigay ng mga tao sa mga may kapangyarihan. Isinasakatuparan lamang Niya ang Kanyang gawain at ang lahat ay nakatakda. Sa panahong si Jesus ay nananalangin, Siya ay nananalangin sa Diyos Ama para sa pagbaba ng kaharian ng langit, para ang kalooban ng Ama ay magawa, at para sa gawain na darating. Sa yugtong ito, ang kaharian ng langit ay nakababa na, kaya kinakailangan pa ba Niyang manalangin? Ang Kanyang gawain ay upang dalhin ang kapanahunan sa kanyang katapusan, at wala nang mga bagong kapanahunan, kaya kinakailangan pa bang manalangin para sa susunod na yugto? Sa tingin ko ay hindi na!
Maraming mga salungatan sa mga pagpapaliwanag ng tao. Tunay nga, ang lahat ng mga ito ay mga paniwala ng tao; nang walang masusing pagsisiyasat, lahat kayo ay maniniwala na totoo ang mga iyon. Hindi ba ninyo alam na ang ideyang ito tungkol sa Diyos bilang Trinidad ay paniwala lamang ng tao? Walang kaalaman ang tao na buo at lubos. Palaging mayroong mga karumihan, at ang tao ay masyadong maraming mga ideya; inilalarawan nito na hindi talaga naipapaliwanag ng isang nilikhang tao ang gawain ng Diyos. Punung-puno ang isip ng tao, lahat ay galing sa lohika at kaisipan, na sumasalungat sa katotohanan. Nahihimay ba nang lubos ng iyong lohika ang gawain ng Diyos? Nakakatamo ka ba ng pagkakita tungo sa lahat ng gawain ni Jehova? Ikaw ba bilang tao ang siyang nakakaaninag ng lahat ng ito, o ito ba ay ang Diyos Mismo ang Siyang nakakakita mula sa kawalang-katapusan hanggang sa kawalang-katapusan? Ikaw ba ang siyang nakakakita mula sa kawalang-katapusan noong matagal nang nakalipas na panahon hanggang sa kawalang-katapusan na darating, o ang Diyos lamang ba ang siyang nakakagawa nito? Ano ang masasabi mo? Gaano ka karapat-dapat upang ipaliwanag ang Diyos? At sa anong batayan ang iyong paliwanag? Diyos ka ba? Ang mga kalangitan at ang lupa, at ang lahat ng bagay na nakapaloob dito ay nilikha ng Diyos Mismo. Hindi ikaw ang gumawa nito, kaya bakit ka nagbibigay ng maling mga pagpapaliwanag? Ngayon, nagpapatuloy ka ba sa paniniwala sa Trinidad? Hindi mo ba naiisip na masyado itong mabigat sa ganitong paraan? Mas makabubuti para sa iyo na maniwala sa isang Diyos, hindi sa tatlo. Mas makabubuti ang maging magaan, sapagka’t “ang pasanin ng Panginoon ay magaan.”
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Talababa:
a. Hindi kasama sa orihinal na teksto ang “nasa gawain.”
b. Hindi kasama sa orihinal na teksto ang “ang gawain.”
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan: "Umiiral ba ang Trinidad?"
Rekomendasyon: Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
0 Mga Komento