Kidlat ng Silanganan-Ang Ikaapatnapu’t-tatlong Pagbigkas

 Panginoong, Jesus, Ebanghelyo, Iglesia, pananampalataya,

Kidlat ng Silanganan-Ang Ikaapatnapu’t-tatlong Pagbigkas



   Marahil ay dahil lamang sa Aking mga utos sa pangangasiwa kaya ang mga tao ay nagkaroon ng malaking “interes” sa Aking mga salita. Kung hindi sila pinamahalaan ng Aking mga utos sa pangangasiwa, sila sanang lahat ay umaalulong na parang mga tigreng kagagambala pa lamang. Araw-araw Ako ay pagala-gala sa ibabaw ng mga ulap, minamasdan ang sangkatauhang bumabalot sa lupa habang sila ay abalang-abala, pinipigilan Ko sa pamamagitan ng Aking mga utos sa pangangasiwa. Ito lamang ang paraan upang panatilihin ang lahi ng tao sa maayos na katayuan, kaya’t napanatili Ko ang Aking mga utos sa pangangasiwa.


Mula sa sandaling ito hanggang sa daraan, yaong mga nasa lupa ay tatanggap ng lahat ng uri ng mga pagkastigo dahil sa Aking mga utos sa pangangasiwa, at habang ang mga pagkastigong ito ay bumababa sa kanila ang buong sangkatauhan ay nagsisigawan nang malakas at nagtatakbuhan sa lahat ng direksyon. Sa sandaling ito, ang mga bansa sa lupa ay agad na naglalaho, ang mga hangganan sa pag-itan ng bansa at bansa ay hindi na umiiral, ang lugar ay hindi na nababahagi mula sa lugar, at wala nang maghihiwalay ng tao mula sa tao. Sinisimulan Kong gawin ang “gawaing pang-ideolohiya” sa kalagitnaan ng sangkatauhan, upang ang mga tao ay sama-samang makakairal nang mapayapa, hindi na nag-aaway-away, at, habang Ako ay nagtatayo ng mga tulay at nagtatatag ng mga koneksyon sa kalagitnaan ng sangkatauhan, ang mga tao ay nangagkakaisa. Aking pupunuin ang mga kalangitan ng mga kahayagan ng Aking paggawa, upang ang lahat ng bagay sa lupa ay magpapatirapa sa ilalim ng Aking kapangyarihan, ipinatutupad ang Aking plano para sa “pandaigdigang pagkakaisa” at dinadala ang isa Kong inaasam na ito sa kaganapan, kaya’t ang sangkatauhan ay hindi na “magpapagala-gala” sa ibabaw ng lupa kundi makakatagpo ng akmang hantungan nang walang pagkabalam. Nag-iisip Ako para sa lahi ng tao sa lahat ng paraan, ginagawa ito upang ang buong sangkatauhan sa lalong madaling panahon ay makakapamuhay sa isang lupain ng kapayapaan at kaligayahan, upang ang mga araw ng kanilang mga buhay ay hindi na magiging malungkot at mapanglaw, kaya’t ang Aking plano ay hindi na mawawalan ng saysay sa ibabaw ng lupa. Dahil ang tao ay umiiral doon, Aking itatayo ang Aking bansa sa ibabaw ng lupa, sapagka’t ang isang bahagi ng kahayagan ng Aking kaluwalhatian ay nasa ibabaw ng lupa. Sa langit sa itaas, ilalagay Ko ang Aking mga lungsod sa ayos kaya’t gagawin ang lahat na bago kapwa sa itaas at sa ibaba. Aking sasanhiin ang lahat nang umiiral kapwa sa itaas at ibaba ng langit tungo sa iisang kaisahan, upang ang lahat ng mga bagay sa lupa ay makaisa ng lahat nang nasa langit. Ito ang Aking plano, ito ang Aking tutuparin sa huling kapanahunan—huwag hayaang makialam ang sinuman sa bahaging ito ng Aking gawain! Ang pagpapalawak ng Aking gawain tungo sa mga bansa ng mga Gentil ang huling bahagi ng Aking gawain sa lupa. Walang makatatarok sa gawaing Aking gagawin, kaya’t ang mga tao ay lubos na nalilito. At dahil Ako ay abáláng-abálá sa Aking gawain sa lupa, sinasamantala ng mga tao ang pagkakataon upang “maglaro.” Upang pigilan sila mula sa pagiging masyadong di-masupil, inilagay Ko muna sila sa ilalim ng Aking pagkastigo para tiisin ang pagdidisiplina ng lawa ng apoy. Ito ay isang hakbang sa Aking gawain, at Aking gagamitin ang kapangyarihan ng lawa ng apoy upang tuparin ang gawain Kong ito, kung hindi ay magiging imposibleng isakatuparan ang Aking gawain. Aking sasanhiin ang mga tao sa buong sansinukob na magpasakop sa harap ng Aking trono, hinahati sila sa iba’t ibang kategorya ayon sa Aking paghatol, pinagbubukud-bukod sila ayon sa mga kategoryang ito, at higit pa pinagsusunud-sunod sila ayon sa kani-kanilang mga pamilya, upang ang buong sangkatauhan ay titigil sa pagsuway sa Akin, sa halip ay bumabagsak sa isang masinop at maayos na pagkakaayos ayon sa mga kategoryang Aking napangalanan—huwag hayaan ang sinuman na basta na lamang gumalaw sa palibot! Sa ibabaw at ilalim ng sansinukob, nakágáwâ Ako ng bagong gawain; sa ibabaw at ilalim ng sansinukob, ang buong sangkatauhan ay natutulala at napipipi sa Aking biglang pagpapakita, ang kanilang mga abot-tanaw ay pinasabog na di pa nangyari kailanman ng Aking bukas na pagpapakita. Hindi ba’t ang ngayon ay eksaktong tulad nito?

   Ginawa Ko ang unang hakbang at pinasimulan ang unang bahagi ng Aking gawain sa gitna ng lahat ng mga bansa at lahat ng mga tao. Hindi Ko sisirain ang Aking plano upang magsimulang muli: Ang ayos ng gawain sa gitna ng mga Gentil na bansa ay naitatag ayon sa mga proseso ng Aking gawain sa langit. Kapag ang lahat ng mga tao ay iniangat ang kanilang mga mata upang tingnan ang bawa’t galaw at kilos Ko, iyan ay kapag naglagay Ako ng ulop sa ibabaw ng mundo. Ang mga mata ng mga tao ay nadiliman kaagad, hindi nila kayang alamin ng anumang direksyon, tulad ng tupa sa tiwangwang na disyerto, at, kapag ang unos ay nagsimulang humugong, ang kanilang mga iyak ay nilulunod ng humuhugong na hangin. Sa gitna ng mga alon ng hangin, ang mga anyo ng tao ay bahagya nang makita, nguni’t walang ting ng tao ang maririnig—kahit na ang mga tao ay sumisigaw nang napakalakas, ang pagsisikap ay walang saysay. Sa panahong ito, ang sangkatauhan ay tumatangis at humihiyaw nang malakas, umaasang isang tagapagligtas ang biglang babagsak mula sa himpapawid upang akayin sila palabas sa walang-hangganang disyerto. Nguni’t kahit na gaano katindi ang kanilang pananampalataya, ang tagapagligtas ay nananatiling di-natitinag, at ang mga pag-asa ng tao ay nadurog: Ang apoy ng pananampalatayang nasindihan ay hinipan ng unos mula sa disyerto, at ang tao ay nakapatirapa sa isang tigang at di-tinatahanang lugar, hindi na kailanman magtataas ng isang naglalagablab na suló, at bumabagsak na pagiging tulog tungo sa kawalang-malay…. Sinasamantala ang sandali, sinasanhi Ko ang isang kanlungan na lumitaw sa harap ng mga mata ng tao. Nguni’t, habang ang kanyang puso ay maaaring labis ang kagalakan, ang katawan ng tao ay masyadong mahina upang tumugon, nakahigang patang-pata sa bawa’t kadulu-duluhang bahagi; kahit na nakikita niya ang magagandang mga prutas na lumalago sa bukál, kulang siya ng kalakasan upang pitasin ang mga iyon, dahil ang “mga panloob na pinagkukunan” ng tao ay naubos nang lahat hanggang wala nang natitira sa mga iyon. Kinukuha Ko ang mga bagay-bagay na kinakailangan ng tao at iniaalok ang mga iyon sa kanya, nguni’t ang tanging ginagawa niya ay ngumiti nang panandalian, ang kanyang mukha ay walang kasaya-saya: Bawa’t kaliit-liitang lakas ng sangkatauhan ay naglaho na nang walang bakas, naglalaho sa ibabaw ng hanging umiihip. Sa kadahilanang ito, ang mukha ng tao ay lubos na walang mababanaag, tanging isang sinag ng pagkagiliw na nagbubuhat sa kanyang namumulang mga mata, may kasamang maamong kabutihang-loob tulad ng sa isang inang nagbabantay sa kanyang anak. Paminsan-minsan, ang tuyo at bitak-bitak na mga labi ng tao ay nanginginig, na parang magsasalita nguni’t walang lakas na gawin iyon. Binibigyan Ko ang tao ng kaunting tubig, nguni’t umiiling lamang siya. Mula sa mga pabago-bago at di-mahulaang mga kilos na ito, Aking nalalaman na ang tao ay nawalan na ng lahat ng pag-asa sa kanyang sarili, at pinagmamasdan lamang Ako na may nagsusumamo na tingin sa kanyang mga mata, na parang nagmamakaawa para sa isang bagay. Nguni’t, walang-alam sa mga kaugalian at tradisyon ng sangkatauhan, Ako ay naguguluhan sa mga ekspresyon ng mukha at kilos ng sangkatauhan. Sa sandaling ito lamang bigla Kong natutuklasan na ang mga araw ng pag-iral ng tao ay napakalapit nang matapos, at naaawa Akong tinititigan siya. At sa sandaling ito lamang nasisiyahang ngumingiti ang tao, tumatango sa Akin, na para bang nakamtan na ang kanyang bawa’t inaasam. Ang sangkatauhan ay hindi na malungkot; sa lupa, hindi na dumadaing ang mga tao sa pagiging walang-kabuluhan ng buhay, at humihinto mula sa lahat ng mga pakikitungo sa “buhay.” Mula ngayon, hindi na magkakaroon ng mga paghihinagpis sa lupa, at ang mga araw na ang lahi ng tao ay mabubuhay ay mapupuno ng kagalakan …

   Aking aalisin ang mga ginagawa ng tao nang maayos bago gawin ang Aking sariling gawain, kung hindi ay baka patuloy na manghimasok ang sangkatauhan sa Aking gawain. Ang mga ginagawa ng tao ay hindi ang Aking pangunahing paksa, ang mga ginagawa ng lahi ng tao ay napaka-walang-halaga. Dahil ang kakayahan ng tao ay napakakitid—tila ang sangkatauhan ay hindi handang magpakita ng habag kahit sa isang langgam, o ang mga langgam ay mga kaaway ng sangkatauhan—laging may nangyayaring kaíngáy sa gitna ng mga tao. Pinakikinggan ang kaíngáy ng mga tao, muli ay umaalis Ako at hindi na pinapansin ang kanilang mga sabi-sabi. Sa mga mata ng sangkatauhan, Ako ay isang “lupon ng mga naninirahan,” nagdadalubhasa sa paglutas ng “mga pampamilyang di-pagkakasundo” sa gitna ng mga “naninirahan.” Kapag ang mga tao ay lumalapit sa Akin, sila ay palaging may dalang mga personal na kadahilanan at, nang may nangingibabaw na pagnanais, isinasalaysay ang kanilang sariling “di-pangkaraniwang mga karanasan,” nagdaragdag ng mga sarili nilang komentaryo habang ginagawa iyon. Tinitingnan Ko ang di-pangkaraniwang gawi ng sangkatauhan: Ang kanilang mga mukha ay puno ng alikabok—alikabok na, sa “patubigan” ng pawis, ay hindi na nawawalan ng “kasarinlan” nito habang ito ay agad na humahalo sa pawis, kaya’t ang mga mukha ng mga tao ay nagiging higit na “napayaman,” tulad ng buhangin sa tabing-dagat, kung saan may mga bakas ng paa na paminsan-minsang nakikita. Ang kanilang buhok ay nakakatulad ng multo ng mga patay, walang ningning, nangakatirik na parang pira-pirasong dayami na itinusok sa isang globo. Dahil ang kanyang ulo ay napakainit, hanggang sa punto na nakaabot na siya sa nagbabagang poot, ang mukha niya ay paminsan-minsang nagbubuga ng “singaw,” tulad ng “pagsarga” ng pawis. Sinusuri siyang malapitan, nakikita Ko na ang mukha ng tao ay “naglalagablab” tulad ng nagbabagang araw, na dahilan kung bakit may mga ulap ng mainit na gas na tumataas mula rito, at talagang nag-aalala Ako na baka sunugin ng kanyang galit ang kanyang mukha, bagaman siya mismo ay hindi ito pinapansin. Sa pagkakataong ito, Aking hinihimok ang tao na palamigin nang kaunti ang kanyang init ng ulo, dahil anong mabuting magagawa nito? Bakit magiging gaya nito? Dahil nagagalit, ang mga pira-piraso ng dayami sa mukha ng “globong” ito ay talagang nasunog na ng lagablab ng araw; sa mga pangyayaring tulad nito, kahit ang “buwan” ay nagiging pula. Aking hinihimok ang tao na bawasan ang kanyang pagkamainitin-ng-ulo—mahalagang pangalagaan ang kanyang kalusugan. Nguni’t ang tao ay hindi nakikinig sa Aking payo; sa halip, patuloy siyang “naglalabas ng mga hinaing” sa Akin—para saan ito? Nakatitiyak na ito ay hindi sa ang Aking kaloob ay hindi sapat para sa pagtatamasa ng sangkatauhan? O na tinatanggihan niya ang ibinibigay Ko sa kanya? Sa biglang silakbo ng galit, itinaob Ko ang mesa, kung saan ang tao ay hindi na nangangahas na magsalaysay ng anumang kapana-panabik na mga tagpo mula sa kanyang kasaysayan at, natatakot na baka dalhin Ko siya sa “sentrong piitan” upang maghintay hanggang maging mahinahon, sinasamantala niya ang pagkakataong dala ng Aking pagmamaktol upang tahimik na umalis. Kung hindi, ang tao ay hindi kailanman magiging handang hayaan na ang mga bagay-bagay, kundi patuloy na sasalitain ang kanyang sariling pangungumbinse—puno na Ako sa mismong tunog nito. Bakit ang sangkatauhan ay napaka-kumplikado sa kaibuturan ng kanilang mga puso? Maaari kaya na nakapaglagay Ako ng napakaraming “reserbang mga piyesa” sa kayarian ng tao? Bakit lagi siyang nagpapalabas sa harapan Ko? Nakatitiyak na ito ay hindi sa Ako ay isang “tagapayo” para sa kalutasan ng “di-pagkakaunawaang sibil”? Hiningi Ko ba sa tao na lumapit sa Akin? Nakatitiyak na Ako ay hindi mahistrado sa barangay? Bakit ang mga kaganapan sa gitna ng mga tao ay laging iniuulat sa harap Ko? Ang Aking pag-asa ay na titiyakin ng tao na pamahalaan ang kanyang sarili at hindi manghimasok sa Akin, dahil napakarami Akong gawaing gagawin.

Ika-18 ng Mayo, 1992

Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang pinagmulan: "Ang Ikaapatnapu’t-tatlong Pagbigkas"

Rekomendasyon:  Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?

Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento