Kidlat ng Silanganan-Kabanata 70

Ebanghelyo, Biyaya, Jesus,

Kidlat ng Silanganan-Kabanata 70

 Na ibinubunyag at hayagang ipinamamalas ang Aking hiwaga, hindi na nakatago, ay lubusang dahil sa Aking biyaya at awa. Na lumilitaw ang Aking salita sa gitna ng mga tao, hindi na nakatago, ay higit pang dahil sa Aking biyaya at awa.
Minamahal Ko lahat yaong mga taimtim na gumugugol ng kanilang mga sarili para sa Akin at inilalaan ang kanilang mga sarili sa Akin. Namumuhi Ako sa lahat niyaong isinilang sa Akin pero hindi Ako kilala, tinututulan pa nga Ako. Hindi Ko pababayaan ang sinumang tao na taimtim na para sa Akin, kundi dodoblehin ang kanilang mga pagpapala. Yaong mga di-mapagpasalamat ay parurusahan Ko nang dalawang ulit, at hindi basta palalampasin. Sa Aking kaharian ay walang kalikuan o panlilinlang, walang kamunduhan, iyon ay, walang amoy ng patay, kundi lahat ay pagiging-nasa-tama, pagkamatuwid, ang lahat ay kadalisayan, pagiging-lantad, na walang itinatago, walang pagkukubli; lahat ay sariwa, lahat ay kasiyahan, lahat ay pagpapatatag. Kung ang sinuman ay pinamamalagi ang amoy ng patay, tiyak na hindi siya maaaring manatili sa Aking kaharian, kundi pamumunuan ng Aking bakal na pamálò. Lahat ng walang-katapusang mga hiwaga mula pa noong unang panahon hanggang sa kasalukuyan ay lubusang ibinubunyag sa inyo—yaong mga natatamo Ko sa mga huling araw—hindi ba ninyo nararamdamang pinagpala kayo? Ang araw ng hayagang pagpapamalas ay higit pang ang araw kung kailan nakikibahagi kayo sa Aking paghahari.

Yaong mga tunay na namumuno bilang mga hari ay umaasa sa Aking paunang-pagtatalaga at pagpili, at hindi dapat magkaroon ng anumang kalooban ng tao. Kung may sinumang mangangahas na makibahagi rito, dapat maranasan niya ang hampas ng Aking kamay, at siya ang layon ng Aking naglalagablab na apoy; ito ang isa pang mukha ng Aking pagkamatuwid at kamahalan. Nasabi Ko na, pinamumunuan Ko ang lahat ng mga bagay, Ako ang marunong na Diyos na gumagamit ng lubos na awtoridad, at hindi Ako maluwag kaninuman, malupit, na walang personal na pakiramdam. Itinuturing Ko ang sinuman (gaano man siya kagaling magsalita, hindi Ko siya pagpapasensiyahan) sa Aking pagkamatuwid, pagiging-nasa-tama, at kamahalan, samantalang tinutulungan ang lahat na mas makita ang pagiging-kamangha-mangha ng Aking mga gawa, makita kung ano ang ibig sabihin ng Aking mga gawa. Isa-isa Kong pinarurusahan ang lahat ng uri ng pagkilos ng masasamang espiritu, isa-isang itinatapon ang mga ito sa walang-hanggang hukay. Tinapos Ko ang gawaing ito bago nagsimula ang panahon, hinahayaang walang paglagyan ang mga ito, hinahayaang walang lugar ang mga ito para gawin ang gawain ng mga ito. Lahat ng Aking hinirang na bayan, yaong mga paunang-itinalaga at pinili Ko, ay hindi kailanman maaangkin ng mga ito kahit kailan, kundi palaging banal. Yaong mga hindi Ko paunang-naitalaga at napili ay ipinapasa Ko kay Satanas at hindi na hinahayaang manatili pa. Ang Aking mga atas sa pangangasiwa sa lahat ng aspeto ay kinapapalooban ng Aking pagkamatuwid, Aking kamahalan. Hindi Ko palilibrihin kahit isa ng mga yaong kung kanino gumagawa si Satanas, kundi itatapon sila kasama ng kanilang mga katawan sa Hades, dahil namumuhi Ako kay Satanas. Hindi Ko sa paanuman basta palalampasin ito, kundi lubusang wawasakin ito at hindi ito bibigyan ng pinakamaliit na pagkakataong gawin ang gawain nito. Yaong mga napásámâ ni Satanas hanggang sa isang tiyak na antas (yaong mga layon ng sakúnâ) ay ganoon dahil sa matalinong pagsasaayos ng Aking sariling kamay. Huwag isiping dahil ito sa bangis ni Satanas, kundi alamin na Ako ang Makapangyarihang Diyos na namumuno sa lahat sa sansinukob! Para sa Akin walang mga suliraning hindi nalulutas, mas lalong walang hindi natutupad o anumang salitang hindi nasasabi. Hindi dapat kumilos ang tao bilang mga tagapayo Ko. Mangilag sa pagiging napabagsak ng Aking kamay at naitapon sa Hades. Sinasabi Ko sa’yo! Yaong mga maagap na nakikipagtulungan sa Akin ngayon ang mga pinaka-matatalino, iniiwasan ang kawalan, tinatakasan ang kirot ng paghatol. Lahat ito ay nasa Aking pagsasaayos, Aking paunang-pagtatalaga; huwag gumawa ng di-maingat na pananalita, pananalitang mapagmalaki, iniisip na napakadakila mo. Hindi ba’t lahat ito ay sa pamamagitan ng Aking paunang-pagtatalaga? Kayong mga nagiging tagapayo Ko ay walang kahihiyan! Hindi ninyo nalalaman ang sarili ninyong tayog, kahabag-habag na napakaliit! Gayunpaman, minamaliit ninyo ito, at hindi nauunawaan ang inyong mga sarili. Paulit-ulit kayong nagbibingi-bingihan sa Aking mga salita, hinahayaan ang Aking masisigasig na pagsisikap na mawalang-saysay, halos hindi iniisip na biyaya at awa Ko ito. Sa halip ay itinatanghal ninyo ang sarili ninyong katalinuhan nang paulit-ulit. Natatandaan ba ninyo ito? Anong pagkastigo ba ang dapat tanggapin ng mga taong nag-iisip na matalino sila? Walang malasakit at di-tapat sa Aking mga salita, hindi iniuukit ang mga ito sa inyong mga puso, ginagamit ninyo ang pagkukunwari tungkol sa Akin para gumawa nang ganito at ganyan. Mga taga-gawa ng masama! Kailan ninyo lubusang isasaalang-alang ang Aking puso? Hindi ninyo isinasaalang-alang ang Aking puso, at kaya ang pagtawag sa inyo na mga taga-gawa ng masama ay hindi pagmaltrato sa inyo. Akmang-akma ito sa inyo!

Ipinakikita Ko ngayon sa inyo, isa-isa, ang mga bagay na dating nakatago. Itinatapon ang malaking pulang dragon sa walang-hanggang hukay at lubusang nawasak, dahil ang pagpapanatili dito ay wala man lamang kabuluhan, na ibig sabihin ay hindi nakakagawa ng serbisyo para kay Cristo. Magmula ngayon wala na itong kulay-pulang bagay; unti-unti itong dapat manghina hanggang mawala. Ginagawa Ko kung ano ang sinasabi Ko; ito ang pagtatapos ng Aking gawain. Alisin ang mga pagkaintindi ng tao, lahat na nasabi Ko, nagawa Ko. Sinumang sinusubukang maging matalino ay nagdadala ng pagkawasak sa sarili niya, nagdadala ng paghamak sa sarili niya, at ayaw mabuhay. Kaya paluluguran Kita at tiyak na hindi pananatilihin ang gayong mga tao. Magmula ngayon, ang mamamayan ay huhusay nang huhusay, samantalang lahat ng mga hindi maagap na nakikipagtulungan sa Akin ay matatangay sa kawalan. Yaong Aking mga nasasang-ayunan ay yaong Aking gagawing ganap. Hindi Ko itatapon kahit isa. Walang pagsalungat sa Aking sinasabi. Yaong mga hindi maagap na nakikipagtulungan sa Akin ay magdurusa ng higit na pagkastigo, nguni’t sa kahuli-hulihan tiyak na ililigtas Ko sila, gayunman sa panahong iyon, ang lawak ng kanilang mga buhay ay magiging ibang-iba. Gusto mo bang maging gayong tao? Tumindig ka at makipagtulungan sa Akin! Tiyak na hindi Ko pakikitunguhan nang may paghamak yaong mga taimtin na gumugugol ng kanilang mga sarili para sa Akin. Yaong mga taimtim na inilalaan ang kanilang mga sarili sa Akin, ipagkakaloob Ko ang lahat ng pagpapala Ko sa inyo. Lubusan mong ihandog ang iyong sarili sa Akin! Kung ano ang kinakain mo, kung ano ang isinusuot mo, at ang hinaharap mo ay lahat nasa Aking mga kamay, isasaayos Ko lahat ito nang wasto, para sa iyong walang-katapusang kasiyahan, di-nauubos, dahil nasabi Ko na, “Sa mga yaong taimtim na gumugugol para sa Akin, tiyak na pagpapalain Ko kayo nang labis.” Lahat ng pagpapala ay dumarating sa bawa’t taong taimtim na gumugugol ng sarili para sa Akin.

Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang pinagmulan: "Kabanata 70"

Rekomendasyon:  Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento