Kidlat ng Silanganan-Kabanata 48
Nababahala Ako, pero ilan sa gitna ninyo ang kayang maging isang isip at isang kaisipan Ko? Hindi ninyo talaga binibigyang pansin ang Aking mga salita, tuluyang binabale-wala at nabibigong magtuon sa mga ito, sa halip nagtutuon lang sa inyong mga sariling paimbabaw na bagay.
Itinuturing ninyo ang Aking matiyagang pangangalaga at pagsisikap bilang isang pag-aaksaya; hindi ba nakokondena ang inyong konsensya? Kayo ay walang-alam at kulang sa katuwiran; mga hangal kayo, at hindi maaaring makalugod sa Akin kailanman. Lubusan Akong para sa inyo—gaano kayo maaaring maging para sa Akin? Hindi ninyo nauunawaan ang Aking layunin, at ito nga talaga ang inyong pagka-bulag at kawalang kakayahang makita ang mga bagay, palagi Akong pinag-aalala tungkol sa inyo at gumugugol ng panahon sa inyo. Ngayon, gaano karami ng inyong panahon ang maaari ninyong gugulin para at iukol sa Akin? Dapat mas tanungin ninyo ang inyong mga sarili.

Lahat tungkol sa inyo ang Aking layunin—nauunawaan ninyo ba talaga ito? Kung talagang nauunawaan ito, matagal na sana ninyong naunawaan ang Aking layunin at nagsaalang-alang sa Aking pasanin. Huwag maging pabaya muli, o hindi kayo magkakaroon ng Banal na Espiritung gumagawa sa inyo, na magagawang mamatay ang inyong mga espiritu at mahulog sa Hades. Hindi ba’t kakila-kilabot iyan para sa’yo? Hindi Ko na kailangang paalalahanan kang muli. Dapat suriin ninyo ang inyong konsensya at tanungin ang mga sarili ninyo: Ito ba’y dahil masyado Akong nalulungkot para sa inyo, o dahil sobra-sobra ang pagkakautang ninyo sa Akin? Huwag pagsamahin ang tama at mali at mawalan ng katinuan! Hindi ngayon ang oras upang lumaban para sa kapangyarihan at kapakinabangan o makilahok sa intriga, sa halip dapat agarang isantabi ang mga bagay na ito na lubhang nakapipinsala sa buhay at hanaping makapasok sa katunayan. Napaka-walang ingat ninyo! Hindi ninyo maaaring maunawaan ang Aking puso o natatanto ang Aking layunin. Maraming mga bagay ang hindi Ko na dapat pang sabihin, pero kayo ay ganoon kalitong mga tao na hindi nakakaunawa, kinakailangan Kong sabihin ang mga ito paulit-ulit, at gayunpaman, hindi ninyo pa rin napapalugod ang puso Ko.
Sa pagbilang sa inyo isa isa, ilan ang maaari talagang maging nagsasaalang-alang sa puso Ko?
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan: Kabanata 48
Rekomendasyon: Ano ang katotohanan? Ano ang kaalaman at doktrina sa Biblia?
0 Mga Komento