Kidlat ng Silanganan-Kabanata 72

Diyos, buhay, Jesus, Panginoong Jesus,

Kidlat ng Silanganan-Kabanata 72


Dapat kang umasa sa Akin na alisin ang anumang pagkukulang o kahinaan sa sandaling matuklasan mo ito. Huwag maantala; kundi ang gawain ng Espiritu ay magiging napakalayo sa iyo, at mapag-iiwanan ka nang napakalayo.
Ang gawaing ipinagkatiwala Ko sa iyo ay maisasakatuparan lamang sa pamamagitan ng palagian mong paglapit, pagdarasal, at pakikipagsalamuha sa Aking presensiya. Kung hindi, walang resulta ang matatamo, at magiging walang-kabuluhan ang lahat ng bagay. Ang gawain Ko ngayon ay hindi gaya ng nakalipas. Ang sukat ng buhay sa mga taong iniibig Ko ay hindi katulad ng nakalipas. Nauunawaan nilang lahat ang Aking mga salita nang malinaw, at may tumatagos na kabatiran sa kanila. Ito ang pinakakapansin-pansin na aspeto; lubhang naisasalamin nito ang hiwaga ng Aking gawain. Ang tulin ng Aking gawain ay bumilis na, at ang Aking gawain ay tiyak na naiiba sa nakaraan. Mahirap itong isipin ng mga tao, at higit pa rito ay imposible itong maarok ng mga tao. Wala nang hiwaga sa inyo; sa halip ang lahat ay naipaaalam at naihahayag. Ito ay malinaw, ito ay naibigay, at, higit pa rito, ito ay lubusang walang bayad. Yaong mga iniibig Ko ay tiyak na hindi malilimitahan ninuman, ng anumang pangyayari, bagay, o anumang kalawakan o heograpiya; lalagpasan nila ang kontrol na ipinapataw ng lahat ng kapaligiran at lalabas mula sa laman. Ito ang pagkukumpleto ng Aking dakilang gawain. Walang anumang matitira; lubusan itong matatapos.

Ang pagkukumpleto ng dakilang gawain ay binabanggit nang may kaugnayan sa lahat ng panganay na anak-na-lalaki at sa lahat ng taong iniibig Ko. Pagkaraan nito ay hindi kayo makokontrol ninuman, ng anumang pangyayari, o bagay. Maglalakbay kayo sa iba’t ibang bansa sa sansinukob, babagtasin ang buong kosmos, nang sa gayon ay mananatili saanman ang inyong mga bakas. Huwag isaalang-alang na ito ay malayo; ito ay isang bagay na magkakatotoo sa harapan ng inyong mga mata sa lalong madaling panahon. Ang Aking ginagawa ay ipagkakatiwala sa inyo, at ang mga lugar na lalakaran ng Aking mga paa ay magkakaroon ng inyong mga bakas. Ito talaga ang tunay na kahulugan ng kayo at Ako na namumuno bilang mga hari nang magkasama. Napagnilay-nilayan ba ninyo kung bakit mas malinaw ang pahayag na ibinibigay Ko, at lalong higit na nakikita, na hindi natatago kahit kaunti? Bakit Ko dinadala ang pinakamataas na saksi, at binabanggit ang lahat ng hiwaga at lahat ng salita sa inyo? Ang dahilan ay wala nang iba pa kundi ang nabanggit sa itaas. Gayunpaman, ang pagsulong ng inyong gawain sa kasalukuyan ay napakabagal. Hindi kayo nakasasabay sa Aking mga hakbang, hindi nakikipagtulungan sa Akin nang maigi, at sa ngayon ay hindi pa rin nakakamit ang Aking kalooban. Dapat Ko kayong sanayin nang mas masidhi, pabilisin ang Aking pagkumpleto sa inyo, hayaan kayong pasiyahin ang Aking puso sa lalong madaling panahon.

Ang pinakamaliwanag sa ngayon ay ang lubusang pagkabuo ng grupo ng mga panganay na anak-na-lalaki, naaprubahan Kong lahat, na naitalaga at pinili Ko pa nga mula sa paglikha ng sanlibutan, ang bawat isa na naitataguyod ng Aking kamay. Walang puwang para sa anumang pagsasaalang-alang ng tao rito, at lagpas ito sa iyong kontrol. Huwag maging palalo; lahat ito ay Aking kabutihan at kahabagan. Sa Aking paningin, ang lahat ng bagay ay naisakatuparan na. Masyadong malabo lamang ang inyong mga mata, at maging ngayon ay hindi ninyo nakikita nang malinaw ang hiwaga ng Aking mga gawa. Hindi kayo lubos na malinaw at hindi tunay na nauunawaan ang Aking pagkamakapangyarihan sa lahat, ang Aking karunungan, ang Aking bawat kilos, at ang Aking bawat salita at gawa. Ako sa gayon ay nagsasalita nang malinaw. Para sa Aking mga anak-na-lalaki, sa Aking mga sinisinta, laan Akong magbayad ng lahat ng halaga, laang magpagal, at laang gugulin ang Aking sarili. Nakikilala ba ninyo Ako sa pamamagitan ng Aking mga salita? Kailangan ba ninyo sabihin Ko ito nang mas malinaw? Huwag nang maging pabaya; isaalang-alang ang Aking puso! Ngayon na nabanggit sa inyo ang isang gayong kadakilang hiwaga, anong masasabi ninyo? Mayroon pa ba kayong anumang hinaing? Kung hindi kayo magbabayad ng halaga at magpupursigi, magiging karapat-dapat ba kayo sa lahat ng pasakit na pinasan Ko?

Ang mga tao sa ngayon ay hindi makontrol ang kanilang mga sarili. Kung hindi Ko pinapaburan ang sinuman, hindi nila Ako magagawang ibigin, gaano man nila gustuhin. Ang mga taong itinalaga at pinili Ko, gayunpaman, ay hindi makatatakas kahit gustuhin man nila; saan man sila magtungo ay hindi nila matatakasan ang palad ng Aking kamay. Gayon ang Aking kamahalan, higit pa ang Aking paghatol. Ang lahat ng tao ay dapat gawin ang kanilang mga gawain ayon sa Aking plano, at ayon sa Aking kalooban. Lubusang ang lahat ng bagay mula rito ay babalik sa Aking kamay, at lagpas sa kanilang sariling kontrol. Ito ay lubusang nakokontrol Ko, naisasaayos Ko. Kung nakikilahok ang isang tao sa isang maliit na paraan, hindi Ko sila pakakawalan nang basta. Simula ngayon, hahayaan Ko ang lahat ng tao na magsimulang makilala Ako—ang natatanging tunay na Diyos na lumikha ng lahat ng bagay, na dumating sa gitna ng mga tao at tinanggihan at siniraang-puri nila, na nagkokontrol at nagsasaayos ng lahat ng bagay, ang Hari na namumuno sa kaharian, ang Diyos Mismo na nangangasiwa ng kosmos, higit pa riyan ang Diyos na nagkokontrol ng buhay at kamatayan ng mga tao, na humahawak sa susi ng Hades. Hahayaan Ko ang lahat ng tao (matanda, bata, may espiritu man sila o wala, o mangmang man sila o may kapansanan, atbp.) na makilala Ako. Hindi Ko isinasantabi ang sinuman mula sa gawaing ito; ito ang pinakamatinding gawain, gawain na hinanda Kong maigi, gawaing isinasagawa simula ngayon. Ang sinasabi Ko ay maisasakatuparan. Buksan ang iyong espiritwal na mga mata, bitawan ang iyong sariling mga pagkaunawa, at kilalanin na Ako lamang ang totoong Diyos na nangangasiwa ng sansinukob! Hindi Ako natatago kaninuman, at isinasagawa ang Aking mga atas sa pamamahala tungo sa bawat isa.

Isantabi ang lahat ng iyong sariling mga bagay. Hindi ba mas higit ang halaga at mas makabuluhan ang mga bagay na kinukuha mo sa Akin? Hindi ba malaki ang pagkakaiba sa pagitan ng mga ito at ng iyong basura? Huwag mag-aksaya ng panahon sa pagbitiw sa lahat ng walang-kabuluhang bagay! Napagpapasyahan ngayon kung matatamo ba ang mga pagpapala o haharapin ang kasawian. Ngayon ang mahalagang sandali; ito pa nga ang kritikal na sandali. Nakikita mo ba ito?

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Malaman ang higit pa: Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento