Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos - Kabanata 80
Ang lahat ay nangangailangan ng tunay na komunikasyon sa Akin para liwanagan at paliwanagin; higit pa, sa pamamagitan lamang nito magiging payapa ang espiritu. Kung hindi, hindi ito mapapayapa.
Ngayon ang pinakamalalang karamdaman sa gitna ninyo ay ang paghihiwalay ng Aking normal na pagkatao mula sa Aking ganap na pagkaDiyos; higit pa, ang karamihan sa inyo ay nagtutuon sa Aking normal na pagkatao, na para bang hindi kailanman nalaman na mayroon din Akong ganap na pagkaDiyos. Nilalapastangan Ako nito! Alam ba ninyo? Ang inyong karamdaman ay napakalala na kung hindi kayo magmamadali at gagaling ay papatayin kayo ng Aking mga kamay. Sa Aking harap nag-aasal kayo sa isang paraan (nagpapakita bilang isang totoong maginoo, mapagkumbaba at matiyaga), nguni’t sa Aking likuran nag-aasal kayo ng ganap na iba (ganap na isang huwad na maginoo, walang-patumangga at walang pagpipigil, ginagawa ang anumang nais ninyong gawin, lumilikha ng mga paghahati-hati, nagtatatag ng sariling mga kaharian, inaasam na ipagkanulo Ako), kayo ay bulag! Buksan ang inyong mga mata na napalabo na ni Satanas! Tingnan ninyo kung sino talaga Ako! Wala kayong hiya! Hindi ninyo alam na kamangha-mangha ang Aking mga pagkilos! Hindi ninyo alam ang Aking pagka-makapangyarihan sa lahat! Sino ang masasabi na nagsisilbi siya kay Cristo datapuwa’t hindi ligtas? Hindi ninyo alam kung anong papel ang inyong ginagampanan! Sa totoo lamang ay lumalapit ka sa harap Ko na balatkayong nagpapakita ng iyong mga panghalina, anong kababaan! Sisipain kita palabas ng Aking bahay, hindi Ko ginagamit ang ganitong uri ng tao dahil hindi Ko sila itinalaga o pinili.
Ginagawa Ko ang sinasabi Ko, yaong mga gumagawa ng masama ay hindi dapat matakot. Hindi Ako gumagawa ng mali sa kanino mang tao. Lagi Akong kumikilos ayon sa Aking plano, kumikilos ayon sa Aking pagkamakatuwiran. Dahil yaong mga gumagawa nang masama ay naging mga inapo ni Satanas simula sa paglikha, hindi Ko sila pinili, ito ang ibig sabihin ng “hindi binabago ng mga leopardo ang kanilang mga batik.” Sa mga bagay na hindi mauunawaan ng sangkatauhan, lahat ay napalinaw na at walang natatago sa Akin. Marahil ay makakapagtago ka ng isang bagay mula sa paningin ng maliit na bilang ng mga tao, nakukuha ang tiwala ng iilang tao, nguni’t sa Akin ito ay hindi napakadali. Sa katapusan hindi kayo makakatakas sa Aking paghatol. Ang titig ng sangkatauhan ay limitado, at kahit yaong mga makakaunawa sa maliit na bahagi ng kasalukuyang sitwasyon ay ibinibilang na mayroong kaunting kasanayan. Para sa Akin lahat ay nagpapatuloy nang maayos, walang humaharang sa Aking daan kahit katiting, dahil lahat ay nasa ilalim ng Aking pagkontrol at pagsasaayos. Sinong mangangahas na hindi magpasakop sa Aking pagkontrol! Sinong mangangahas na gambalain ang Aking pamamahala! Sinong mangangahas na magtaksil o hindi gumalang sa Akin! Sinong mangangahas na magsabi sa Akin ng isang bagay na hindi totoo, kundi magsasabi sa Akin ng isang kumpol ng kasinungalingan! Walang sinuman sa kanila ang makakatakas mula sa Aking napopoot na mga kamay. Kahit na sumuko ka na ngayon, at handa kang makastigo, at pumasok sa walang-hanggang kalaliman, hindi kita basta palalampasin. Dapat kitang iahon mula sa walang-hanggang kalaliman para muli kang maisailalim sa Aking puno-ng-poot na kaparusahan (namumuhi sa sukdulang antas), nakikita kung saan ka tatakbo. Ang bagay na kinasusuklaman Ko nang higit sa lahat ay ang paghihiwalay ng Aking normal na pagkatao mula sa Aking ganap na pagkaDiyos.
Pinagpala yaong mga tapat sa Akin, iyan ay, pinagpala yaong mga totoong kinikilala Ako bilang ang Diyos Mismo na malapitang nagsusuri sa puso ng tao, at tiyak na pararamihin Ko ang kanilang mga pagpapala, tinutulutan silang tamasahin ang mabubuting pagpapala sa Aking kaharian magpakailanman. Ito rin ang pinakamabisang paraan para hiyain si Satanas. Gayunpaman, huwag masyadong mainip o mabahala, may panahon Akong itinakda para sa lahat. Kung ang itinakda Kong panahon ay hindi pa nakarating, kahit na kulang pa ito ng isang segundo, hindi Ako kikilos. Kumikilos Ako nang tumpak at ayon sa isang ritmo, hindi kumikilos nang walang dahilan. Sa sangkatauhan hindi Ako nag-aalala, kasing-tatag ng Bundok Taishan, nguni’t hindi mo ba alam na Ako ang Diyos Mismo na makapangyarihan sa lahat? Huwag masyadong mainip, ang lahat ay nasa Aking mga kamay. Lahat ay matagal nang naihanda, hindi sila makakapaghintay na magsilbi sa Akin. Ang buong mundo ng sansinukob ay mukhang nasa kaguluhan sa panlabas, nguni’t mula sa Aking pagtanaw ito ay may kaayusan. Ang naihanda Ko na para sa inyo ay para lamang sa inyong pagtatamasa, natatanto ba ninyo ito? Huwag ninyong isingit ang inyong mga sarili sa Aking pamamahala, hahayaan Kong makita ng lahat ng bayan at lahat ng bansa ang Aking pagka-makapangyarihan sa lahat mula sa Aking mga kilos, pagpalain at purihin ang banal Kong pangalan dahil sa Aking kamangha-manghang mga gawa. Dahil sinabi Ko na wala Akong ginagawa na walang basehan, kundi lahat ay puno ng Aking karunungan at Aking kapangyarihan, puno ng Aking pagkamakatuwiran at kamahalan, at lalong higit pa ng Aking poot.
Yaong mga nagigising kaagad pagkarinig ng Aking mga salita ay tiyak na tatanggap ng Aking mga pagpapala, tiyak na tatanggap ng Aking pangangalaga at kalinga, at hindi daranas ng pagdurusa ng pagkastigo, kundi tatamasahin ang kaligayahan ng langit. Alam ba ninyo ito? Ang pagdurusa ay walang-hanggan, nguni’t ang galak ay higit pang walang-hanggan; ang mga iyon ay kapwa nararanasan simula ngayon. Kung ikaw man ay nagdurusa o nagagalak, nakadepende ito sa kung may saloobin kang pagsisisi. Tungkol sa kung ikaw ay isa sa Aking itinalaga at pinili o hindi, dapat kang makatiyak dito batay sa iyong nasabi na. Madadaya mo ang mga tao, nguni’t hindi mo Ako madadaya. Yaong mga naitalaga at napili Ko na ay pagpapalain nang masagana simula ngayon; yaong mga hindi Ko naitalaga at napili ay marahas Kong kakastiguhin simula ngayon. Ito ang magiging patunay Ko sa inyo. Yaong mga pinagpapala ngayon ay walang-dudang Aking minamahal; yaong mga kinakastigo, hindi na kailangang sabihin na hindi Ko sila itinatalaga at pinipili. Dapat kang maging malinaw dito! Ibig sabihin niyan, kung ang nakukuha mo ngayon ay ang pakikitungo Ko sa iyo, kung ito ay mga salita Kong marahas na paghatol, kung gayon ay kinamumuhian ka at kinasusuklaman sa Aking puso at ikaw yaong Aking itatapon. Kung tinatanggap mo ang Aking kaaliwan at tinatanggap mo ang Aking kaloob na buhay, kung gayon ikaw ay nasa Aking pag-aari, ikaw ay isa sa Aking minamahal. Hindi mo malalaman ito batay sa Aking panlabas na itsura. Huwag masiraan ng isip tungkol dito!
Ang Aking mga salita ay nangungusap sa tunay na katayuan ng bawat tao. Naniniwala ba kayong basta tinatalakay Ko ang kahit anong mga paksa? Na sinasabi Ko kung anuman ang gusto Kong sabihin? Hinding-hindi! Sa bawat salita Ko ay natatago ang Aking karunungan. Ituring mo na lamang na katotohanan ang Aking mga salita. Sa loob ng napakaikling panahon, ang mga banyagang naghahanap ng tunay na daan ay magsisipasok. Sa panahong iyon ay matitigilan kayo at matutupad ang lahat nang walang kahirap-hirap. Hindi ba ninyo alam na Ako ang Diyos na makapangyarihan sa lahat? Pagkarinig ng Aking mga salita matatag ninyong pinaniniwalaan ang mga iyon, hindi ba? Hindi Ako nagkakamali, lalo pa ang gumawa ng mga maling pahayag, alam ba ninyo ito? Samakatuwid, paulit-ulit Kong idinidiin na mabilis Ko kayong sinasanay para pangunahan at akayin sila, alam ba ninyo ito? Sa pamamagitan ninyo ay gagawin Ko silang perpekto. Mas mahalaga pa, sa pamamagitan ninyo ay magpapamalas Ako ng malalaking tanda at kababalaghan, ibig sabihin, sa gitna niyaong mga minamaliit ng sangkatauhan ay napili Ko na ang isang pangkat ng mga tao na maghahayag sa Akin, para luwalhatiin ang Aking pangalan, para pamunuan ang lahat para sa Akin, para mamuno bilang mga haring kasama Ko. Samakatuwid, ang pagsasanay Ko sa inyo ngayon ang pinakadakilang pamamahala sa mundo; ito ay isang kamangha-manghang bagay na hindi kayang isakatuparan ng sangkatauhan. Sa pamamagitan ng pagpeperpekto sa inyo ay itatapon Ko si Satanas tungo sa lawa ng apoy at asupre at sa walang-hanggang kalaliman, ganap na ihahagis ang malaking pulang dragon sa kamatayan nito, hindi na kailanman mabubuhay pa. Samakatuwid, lahat ng itinatapon sa walang-hanggang kalaliman ay mga inapo ng malaking pulang dragon. Kinasusuklaman ko sila nang sukdulan. Ito ay naipatupad Ko na, hindi ba ninyo makikita? Lahat ng hindi tapat, lahat ng gumagawa ng kabuktutan at pandaraya ay nalantad na. Ang mga mapagmalaki, mayabang, mapagmagaling at bastos ay mga inapo ng arkanghel at sila ang mga pinakatipo ni Satanas—lahat ay Aking isinumpang mga kaaway, Aking mga kalaban. Dapat Ko silang parusahan nang isa-isa upang mapawi ang galit sa Aking puso. Gagawin Ko ito nang isa-isang klase, lulutasin ito nang isa-isang klase.
Ngayon, ano kung gayon ang lawa ng apoy at asupre at ang walang-hanggang kalaliman? Sa imahinasyon ng sangkatauhan ang lawa ng apoy at asupre ay isang materyal na bagay, nguni’t hindi alam ng sangkatauhan na ito ay isang maling-mali na pagpapaliwanag, gayunman ay nasa mga isipan pa rin ng sangkatauhan. Ang lawa ng apoy at asupre ay ang Aking kamay na namamahagi ng pagkastigo sa sangkatauhan. Sinuman ang naitatapon tungo sa lawa ng apoy at asupre ay napaslang na ng Aking kamay. Ang mga espiritu, mga kaluluwa, at mga katawan ng mga taong ito ay magpakailanmang nagdurusa. Ito ang tunay na kahulugan ng Aking sinabi nang sabihin Ko na ang lahat ay nasa Aking mga kamay. At ano ang kahulugan ng walang-hanggang kalaliman? Sa mga pagkaintindi ng mga tao ito ay ipinalalagay na isang malaking bangin na walang katapusan at hindi maarok ang kalaliman. Ang tunay na walang-hanggang kalaliman ay ang impluwensiya ni Satanas. Kung ang isang tao ay nahuhulog sa mga kamay ni Satanas, ang taong ito ay nasa walang-hanggang kalaliman; kahit na tubuan pa sila ng mga pakpak hindi sila makalilipad palabas. Samakatuwid, ito ay tinatawag na walang-hanggang kalaliman. Ang mga taong ito ay isasailalim lahat sa walang-hanggang pagkastigo, naisaayos Ko na ito nang ganito.
Rekomendasyon: Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Ano ang Ebanghelyo ?
0 Mga Komento