Kidlat ng Silanganan - Kabanata 37
Tunay na kulang ang inyong pananampalataya sa Aking presensya at malimit na nananalig sa inyong mga sarili sa paggawa ng mga bagay-bagay. "Wala kayong magagawang anuman kung wala Ako!"
Nguni’t kayong mga tiwaling tao ay palaging pinapapasok ang Aking mga salita sa isang tainga at pinalalabas sa kabila. Ang buhay ngayong mga araw ay isang buhay ng mga salita; kung walang mga salita walang buhay, walang karanasan, bukod pa sa walang pananampalataya. Ang pananampalataya ay nasa mga salita; sa pamamagitan lamang ng higit na paglalagak ng inyong mga sarili sa mga salita ng Diyos na kayo ay magkakaroon ng lahat ng bagay. Huwag mag-alala tungkol sa hindi paglago; ang buhay ay dumarating sa pamamagitan ng paglago, hindi sa pamamagitan ng pag-aalala.
Lagi kayong may posibilidad na mabahala at hindi makinig sa Aking mga alituntunin. Gusto mong laging lampasan ang Aking paghakbang. Tungkol ba saan iyan? Ito ay ang maiilap na ambisyon ng mga tao. Dapat na malinaw mong makilala kung ano ang nagbubuhat sa Diyos at ano ang nagbubuhat sa inyong mga sarili. Ang kasabikan ay hindi kailanman mapupuri sa Aking presensya. Nais Kong makasunod kayo sa Akin nang taos hanggang sa dulo buhat sa pasimula. Nguni’t naniniwala ka na ang ganitong pagkilos ay debosyon sa Diyos. Mga bulag na tao! Bakit hindi ka lalong lumapit sa Aking presensya at maghanap? Bakit kumikilos ka lang nang pikit ang mata? Dapat mong makita nang malinaw! Tiyak na hindi isang tao ang gumagawa ngayon, kundi ito ay ang Tagapamahala ng lahat, ang nag-iisang tunay na Diyos—ang Makapangyarihan sa lahat! Hindi ka dapat magpabaya, sa halip ay laging panghawakan ang lahat ng mayroon kayo, sapagka’t ang Aking araw ay malapit na. Hindi pa rin ba kayo gising sa sandaling ito? Hindi mo pa rin ba nakikita nang malinaw? Nakikisama ka pa rin sa sanlibutan at hindi makakahiwalay rito. Bakit? Tunay bang minamahal mo Ako? Kaya ba ninyong buksan ang inyong mga puso upang makita Ko? Kaya ba ninyong ialay sa Akin ang inyong buong pagkatao?
Pag-isipan pang lalo ang tungkol sa Aking mga salita, at laging magkaroon ng malinaw na pagkaunawa sa mga iyon. Huwag maguluhan at malito o panghinaan ng loob. Gumugol ng higit na panahon sa Aking presensya, tanggaping lalo ang Aking dalisay na mga salita, at huwag magkaroon ng maling pagkaunawa sa Aking mga hangarin. Ano pa bang maaari Kong sabihin sa inyo? Matigas ang puso ng mga tao at napakaseryoso ng mga pagkaunawa ng mga tao. Lagi nilang iniisip na tama na ang makatawid, at lagi nilang ginagawang isang biro ang kanilang mga buhay. Mga hangal na bata! Ang panahon ay hindi maaga, hindi ito panahon upang maglaro lamang. Dapat ninyong buksan ang inyong mga mata at tingnan ang oras. Ang araw ay tatawid na sa abot-tanaw at pinaliliwanag ang mundo. Buksan ang inyong mga mata at tuminging masigasig, huwag maging pabaya.
Tinatrato ninyo nang magaan ang gayong kadakilang bagay at pinakikitunguhan nang ganito! Ang Aking puso ay nababahala, nguni’t mayroong ilan na nagsasaalang-alang sa Aking puso at kayang pakinggan ang mabuti Kong mga pangaral at makinig sa Aking payo! Ang misyon ay nakakapagod, nguni’t may ilan sa inyo na kayang makibahagi sa pasanin para sa Akin; mayroon ka pa ring ganitong pag-uugali. Kahit nagkaroon ka na ng kaunting pag-unlad kumpara sa nakaraan, hindi ka dapat manatili sa ganitong kalagayan! Ang Aking mga hakbang ay mabilis na kumikilos pasulong, nguni’t nasa ganitong uri pa rin kayo ng paghakbang. Paano ka makakasabay sa liwanag ng kasalukuyan at makakasabay sa Aking mga hakbang? Huwag nang muling mag-alinlangan. Ipinagdiinan Ko na sa inyo nang paulit-ulit, ang Aking araw ay hindi na maaantala pa!
Ang liwanag ng kasalukuyan ay sa kasalukuyan kung tutuusin. Hindi ito maihahambing sa liwanag ng kahapon at hindi maihahambing sa liwanag ng bukas. Ang bagong pahayag, bagong liwanag ay mas malakas bawat araw at mas maningning bawat araw. Tumigil sa kawalan mo ng ulirat, huwag nang maging hangal, huwag nang maging makaluma, huwag nang antalahin ang Aking panahon o sayangin ang Aking panahon sa walang-kabuluhan.
Magbantay! Magbantay! Lalo pang manalangin sa Akin, gumugol ng higit na panahon sa Aking presensya, at tiyak na makukuha mo ang lahat ng bagay! Maniwala na sa paraang ito ay tiyak na matatamo mo ang lahat ng bagay!
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
0 Mga Komento